Actress-politician wasak na wasak sa droga | Bandera

Actress-politician wasak na wasak sa droga

Den Macaranas - September 01, 2016 - 12:10 AM

LUMAPIT na sa pamunuan ng Philippine National Police ang mga kaanak ng isang dating actress-politician na nasira ang buhay dahil sa paggamit ng illegal drugs.

Handa na ang mga kaanak ng nasabing personalidad na ituro ang source ng droga na sumira sa buhay ng kanilang kaanak.

Sinabi ng ating Cricket na isang mayamang negosyante sa Chinatown ang inginuso ng mga ito na umano’y suma-sideline bilang drug dealer.

Noong sikat at nasa pwesto pa ang bida sa ating kwento ay minsan daw niyang nakarelasyon ang negosyanteng ito.

Dito nagsimula ang kanilang ugnayan na nauwi sa pagiging adik sa droga ng dating actress-politician.

Nang masira ang pag-iisip nito dahil sa pag-gamit ng bawal na gamot ay bigla na lang siyang iniwan ng naturang negosyante.

Ginamit din niya ang biktima bilang protektor sa kanyang negosyo na may kinalaman sa buy and sell.

Kung makikita ninyo ngayon ang kaawa-awang dating aktres ay tiyak magugulat kayo dahil ibang-iba na ang kanyang hitsura kumpara sa kanyang dating anyo na isang kagalang-galang na nilalang.

Wala na siyang ipinag-iba halos sa mga ordinaryong pulubi na laman ng mga lansangan.

Bagama’t hindi naman siya gusgusing tingnan, pero sa anyo pa lang niya ay masasabi na siya ay wasted na wasted na.

Ilang beses na rin na ipinasok sa rehab ang ating bida pero lagi rin siyang bumabalik sa kanyang bisyo.

Walang direksyon. Magulo ang buhay. Kaaawa-awang pagmasdan.

Ganyan ang pagsasalarawan ng ating Cricket sa ating subject
ngayong araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang dating actress-politician na biktima ng bawal na droga ay si Miss A….as in Awesome.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending