Pakiusap ni Ai Ai samga bastos na bashers: Think before you type! Stop cyberbullying!
MADALAS mang pulutanin si Ai Ai delas Alas ng bashers/haters sa social media, immune na siya sa mga ito kaya naman dedma na lang siya dahil sa hatid nitong negative vibes.
Pero dahil bahagi na ng showbiz ang social media, nagbigay pa rin ng witty reminder ang Comedy Queen sa kanyang Instagram post. “FACT: Haters don’t really hate you. In fact they hate themselves because you’re a reflection of what THEY WISH TO BE. THINK BEFORE YOU TYPE. STOP CYBERBULLYING.”
As you can see, gone are the days na Miss Patola (mapagpatol) si Ai Ai. Maging ang reaksyon niya kung sakaling mag-guest si Kris Aquino sa anniversary ng SundayPinaSaya, pinigil niya ang sariling magkomento.
After all, secured na siya sa buhay at sa kanyang future. Naniniwala rin siya na mas bibigyang-halaga ng producers ng Sunday comedy variety show ng GMA ang damdamin niya kesa sa mataas na rating na makukuha ng show kapag umapir doon si Kris!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.