outbrain

Tim Yap umalma: Hindi ako adik, hindi ako pusher at hindi ako nagtatago

By Jun Nardo August 30,2016
share this

Tim Yap umalma: Hindi ako adik, hindi ako pusher at hindi ako nagtatago

By Jun Nardo August 30,2016 - 12:25 AM

tim yap

 

Nauna nang kumalat ang chika na nagtatago raw si Tim, ayon na rin sa report ni Manay Lolit Solis sa DZBB program nina  Arnold Clavio at Ali Sotto.

Diumano, nasa listahan ng PNP (na ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte) si Tim Yap ng mga pinaghihinalaang supplier ng party drug na ecstacy, ayon pa sa talent manager.

Pati associates ni Tim ay nababahala na sa balitang ito. Nakita namin ang TV host businessman nang pumunta sa Valencia Events Place a few days before ng birthday ni Mother Lily Monteverde nu’ng Aug. 19. Inakala niyang ‘yung araw na ‘yon ang party ng Regal producer.

Pero nu’ng araw mismo ng party ni Mother, hindi namin namataang dumalo si Tim. Hanggang sa kumalat na nga ang nasabing balita.

Samantala, hindi naman itinanggi ni Manay Lolit na nalulong sa drugs noon ang mga alaga niyang sina Christopher de Leon at Tonton Gutierrez. “Sumali sa Oasis si Boyet at si Tonton naman, iniwasan ang bisyo. Eh, nasa tao naman ‘yan, eh. Kung kaya nilang magbago, magagawa nila,” katwiran ng talent manager.

Tanong naman ni Igan sa talent manager kung nasubukan na nito ang magdroga? “Naku, sa tanda kong ito, never pa akong nakatikim niyan. Para na nga akong naka-drugs kung magbigay ng balita sa inyo.

What more kung naka-drugs ako. Baka mas marami pa akong masabi sa inyo! Babu!” paliwanag ni Manay Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending