SINABI ni Sen. Leila De Lima na hindi siya magbibitiw sa kabila ng panawagan sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Resignation at this point will be an admission of guilt and a sign of weakness. And I’m neither weak nor guilty,” sabi ni De Lima.
Samantala, tumanggi nang magkomento ni De Lima kaugnay alegasyon sa kanya sa droga, sa pagsasabing itinanggi na niya ito.
“Wala muna ko sasagutin tungkol sa matrix-matrix na yan, ano. Sawang-sawa na ko sa kaka-deny. Ganun lang naman talaga ang gagawin ko. Because yun naman ang alam kong totoo. Wala akong kinalaman dyan, yan ang totoo. So ayoko nang magsalita nang magsalita tungkol dyan,” dagdag ni De Lima.
Nanindigan siya sa hindi pagdalo sa nakatakdang pagdinig ng Kamara kaugnay ng umano’y pamamayagpag ng droga sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang Kalihim ng Department of Justice (DOJ).
“Mahirap. Alam ko naman wala akong kinalaman dyan. And I’m judged guilty already by the President. And then you think that House Speaker will be anything near fair to me?” dagdag ni De Lima na ang pinatutungkulan ay si Speaker Pantaleon Alvarez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.