Nasaan ang hustisya…bakit si Bistek lang ang idinemanda ng VACC?
PARA makapag-ingay lang ba ang dahilan ng isang grupo kaya kinasuhan nila si Mayor Herbert Bautista? Okey lang sanang mag-ingay, basta ma-kabuluhan ang kanilang sigaw, pero kung wala namang kapararakan ‘yun ay mas ma-gandang manahimik na lang sila.
Tama bang sampahan ng kasong criminal ang mayor ng Quezon City dahil daw sa pagpapabaya sa kanyang mga nasasakupan? Ginamit pang bala laban sa kanya ang pag-amin ng nakababata niyang kapatid na si Konsehal Hero Bautista, pruweba raw ‘yun ng pagiging iresponsable ng aktor-pulitiko, may merito ba ang bintang ng VACC laban sa kanya?
Kung paglaganap ng droga sa isang bayan o lunsod ang pag-uusapan ay hindi lang ang Quezon City ang dapat tutukan ng grupong ito. Ilang bayan ba meron sa buong Pilipinas?
Hindi lang sa Kyusi may mga mamamayang gumagamit ng droga, laganap ‘yun sa buong bansa, kaya bakit si Mayor Herbert lang ang napusuang idemanda ng VACC?
At inuulit namin, ano naman ang kasalanan ng aktor-pulitiko para saluhin ang pagkakamali ng kanyang ka-patid?
Si Mayor Herbert ba ang gumagamit ng ipinagbabawal ng gamot, siya ba ang nakunan ng ebidensiyang nagdodroga, hindi ba’t ang pagiging responsable sa pagpapa-rehab sa kanyang kapatid ay isang magandang aksiyon na bilang kapatid at tagapamuno ng Kyusi dahil hindi niya kinunsinti ang kanyang utol?
Ano ba ito, pag-iingay lang, para sila mapag-uusapan? Maling sigaw ito!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.