Cory Vidanes waging Media Personality of the Year sa SKAL
PINARANGALAN bilang “Media Personality of the Year” ng SKAL International Tourism Personality Awards ang chief operating officer for broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes para sa kaniyang kontribusyon at patuloy ng pagtataguyod ng turismo sa bansa sa pamamagitan ng mahusay na programang pangtelebisyon, pelikula, at iba pang platforms ng nangungunang media at entertainment company sa bansa.
Kinilala si Vidanes kasama ng iba pang awardees sa SKAL International Tourism Awards na ginanap noong Miyerkules ng gabi sa New World Hotel sa Makati.
“Like all of you, I share and support your advocacy in promoting tourism through excellent content in television, film, print, digital and all our other platforms,” sabi ni Vidanes. “In ABS-CBN, the core of being in service of the Filipino people is to be trusted. In many ways, we share the same vision of SKAL International – to be a trusted Voice in travel and tourism.”
“In ABS-CBN, the core of being in service of the Filipino people is to be trusted. In many ways, we share the same vision of SKAL International – to be a trusted Voice in travel and tourism,” sabi pa ng TV executive.
Sa SKAL International Tourism Personality Awards, binibigyang parangal ang mga indibidwal para sa kanilang pambihirang nagawa upang itaguyod ang turismo.
Sa pamumuno ni Vidanes, naglakbay ang ABS-CBN sa iba’t ibang lugar sa bansa upang mag-shoot ng mga teleserye at pelikula.
Dahil alam ng ABS-CBN na hindi lang kwento ang nagugustuhan ng manonood kundi pati na rin ang mga magagandang destinasyon na tampok sa palabas.
Dinala na nito ang mga manonood sa mga lugar tulad ng Benguet province para sa Forevermore; Puerto Princesa, Palawan sa The Story Of Us; Albay, Bicol for We Will Survive; Batanes sa “You’re My Boss,” Bukidnon at Cagayan De Oro sa “Forever And A Day,” at marami pang iba upang maging senaryo ng sikat ng love stories.
Dagdag pa ni Vidanes, ang ABS-CBN Regional group ay aktibong nagtatampok ng mga piyesta buong taon para maging tulay ng mga Filipinos sa Pilipinas at ibang bansa sa kanilang mga probinsyang pinagmulan at para na rin maengganyo ang mga dayuhang turista na maglakbay sa Pilipinas.
Sinabi rin ni Vidanes na ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Incorporated ay nag-aalok ng eco-tourism packages na hindi lamang nagbibigay pagkakataon sa Pilipino na maranasan at makita ang mga tanawin kundi suportahan pati na ang kanilang pangkabuhayang proyekto at mapangalagaan ang natural ecosystems sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Mayroon ring travel website ang ABS-CBN na Choose Philippines na nagbibigay nmg malawak na impormasyon ukol sa paglalakbay sa Pilipinas, at nagbibigay pagkakataon sa mga pamilyang Pilipino na lumikha and ibahagi ang kanilang makabuluhang mga karanasan.
Habang ang ABS-CBN ay magiging ganap na digital company, ito ay nagdadala na rin ng programa at impormasyon sa online sa pamamagitan ng ABS-CBN News online at mobile apps tulad ng iWantv, TFC.tv, at Sky on Demand, ito ay mananatiling kaakbay sa pagtaguyod ng turismo sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.