Kasal na lang ang kulang kina KC at Aly | Bandera

Kasal na lang ang kulang kina KC at Aly

Ervin Santiago |August 27,2016
facebook
share this

Kasal na lang ang kulang kina KC at Aly

Ervin Santiago - August 27, 2016 - 12:01 AM

kc concepcion at aly borromeo

KASAL na nga lang siguro ang kulang sa relasyon nina KC Concepcion at Aly Borromeo na very much together lagi sa kanilang social media photos.

Kahit wala pang diretsahang pag-amin na ginagawa ang dalawa ay maliwanag pa sa sikat ng araw na matagal na silang magdyowa base na rin sa palitan nila ng mga mensahe sa Instagram at Twitter. At in fairness, tanggap na tanggap na ng pamilya ni KC ang bago niyang boyfriend.

In fact, recently ay present din si Aly sa 53rd birthday celebration ng second father ni KC na si Sen. Kiko Pangilinan. Isang family picture ang ipinost ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Facebook account na kuha sa party kung saan kasama nila ni Kiko ang mga anak na sina Frankie, Miel, Miguel, at si KC.

Sa nakita naming litrato, nandoon din si Aly na nakayakap pa kay KC, nilagyan pa ito ni Mega ng caption na: “Family birthday dinner for Daddy Kiko at Todd English Food Hall (with Aly B.).

Ibig sabihin, botong-boto na talaga ang family ni KC sa bago niyang boyfriend dahil pamilya na ang turing nila sa Azkals player. At sa huling panayam nga namin kay Mega sinabi nitong kung sino ang makapagpapaligaya sa anak niya ay tatanggapin niya nang buong puso.

Kamakailan, kumalat ang isa pang picture nina KC at Aly sa IG kung saan nagtatampisaw sila sa isang beach. May isa pa silang picture kung saan hinahalikan ni Aly si KC habang nakalubog sa dagat.
So, ang tanong kailan ang kasalan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending