Sharon bumisita sa bahay ng The Voice Kids finalist sa ilalim ng tulay: Sana manalo siya! | Bandera

Sharon bumisita sa bahay ng The Voice Kids finalist sa ilalim ng tulay: Sana manalo siya!

Reggee Bonoan |August 27,2016
facebook
share this

Sharon bumisita sa bahay ng The Voice Kids finalist sa ilalim ng tulay: Sana manalo siya!

Reggee Bonoan - August 27, 2016 - 12:01 AM

shoron cuneta at antonette

PERSONAL na binisita ni Megastar Sharon Cuneta ang bahay sa ilalim ng tulay ng The Voice Kids Philippines finalist na si Antonetthe Tismo.

Sa Facebook ipinost ni Sharon ang naging experience niya sa pagtungo sa bahay ni Antonetthe na matatapuan sa ilalim ng tulay sa Tambo, Parañaque. Naglalako ng kakanin ang bata para makatulong sa kanyang pamilya.

Ilang litrato rin na kuha sa nasabing lugar ang ipinost ng singer-actress sa FB na may caption na: “Dito po siya nakatira, sa papasukan na ito. She never asked me for anything, when sanay at nalulungkot na ako sa ibang tao na makita pa lang ako, parang kung paano pagsasamantalahan ang kabutihan ko na agad ang iniisip.

“Please vote for Antonetthe and please ask your family and friends to vote for her, too (ANTONET send to 2366) on TVK3 Grand Finals this coming Saturday and Sunday na po. I pray na manalo si Antonetthe para magkabahay na sila at magkaroon ng pagkakataon na umangat ang kabuhayan nilang pamilya.

“And she’s really a GREAT SINGER who I really feel deserves to win, kahit na magagaling naman silang lahat. Thank you so much! God bless!” sabi pa ng Megastar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending