Lovi, Max tinuhog ni Tom; palaban sa love scene | Bandera

Lovi, Max tinuhog ni Tom; palaban sa love scene

Ervin Santiago - August 24, 2016 - 12:05 AM

max lovi tom
TINUHOG ni Tom Rodriguez ang dalawang Kapuso sexy actress na sina Max Collins at Lovi Poe.

Sa bagong primetime teleserye ng GMA 7, ang medical-drama na Someone To Watch Over Me, parehong makaka-love scene ni Tom sina Lovi at Max, at inamin ng Kapuso hunk na napakaswerte niya dahil parehong professional ang kanyang mga leading lady at game na game sa mga sensitibong eksena.

Kuwento ni Tom sa media conference ng Someone To Watch Over Me kamakalawa ng gabi, naging madali para sa kanya ang mga intimate scenes dahil walang kaarte-arte sina Lovi at Max. Kung ano ang ipagawa sa kanila ni direk Maryo J delos Reyes ay go lang sila nang go.

“Nagbibiro nga ako sa set, tinatanong nila kung kumain na ako, e, that time, katatapos lang namin gawin ‘yung love scene, parang after nu’ng sa amin ni Max, sunod na kinunan ‘yung sa amin ni Lovi. Kaya sabi ko, okay lang, busog na ‘ko!” natatawang chika ni Tom.

Puring-puri rin niya ang akting nina Lovi at Max sa serye. Paglalarawan niya kay Lovi, “She’s such a giving person, such a giving actress. This early stage, having the chance to work with her, I already learned so much. Ang dali niyang katrabaho because she’s so good na madadala ka.”

Ayon naman kay Lovi, napaka-gentleman at super professional ni Tom kaya feeling niya ay safe na safe siya sa kandungan ng aktor. At alam na alam daw nito kung paanong gawing makatotohanan ang bawat eksena nila sa serye nang hindi sila naiilang sa isa’t isa.

Para naman kay Max, pumayag siyang gawin ang mga maiinit na eksena nila ni Tom dahil naniniwala siyang kailangan iyon ipakita sa manonood. Malaki rin daw ang tiwala niya kay direk Maryo kaya tulad nina Lovi at Tom, go lang siya nang go.

Magsisimula na sa Sept. 5 ang nasabing serye, at sabi nga ng tatlong bida, this is one inspirational drama tungkol sa isang asawa na dadaan sa matitinding pagsubok dahil sa asawang may Early-onset Alzheimer’s disease.

Kuwento ni Tom sa tema ng kanilang bagong drama series, “Dito magiging aware ang manonood ang tungkol sa ganitong sakit, hindi lang pala ito sakit ng matatanda. Maaari rin itong mangyari sa mga kabataan. Napapanahon na mapag-usapan ang ganitong material sa telebisyon.”

q q q

Gagampanan ni Tom ang karakter ni TJ Chavez na mada-diagnose nga ng Early-onset Alzheimer’s disease. Si Lovi naman si Joanna, ang mapagmahal at matiising misis ni TJ.

Kuwento ni Tom tungkol sa challenge ng kanyang role, “Actually, habang inaaral ko siya, mas na-e-excite ako na makita kung saan pupunta yung kuwento, kasi nga yung character ko is hindi siya biglang milagrong gagaling. So, it’s exciting to see where it goes.”

Magkukrus naman ang landas nina Joanna at Irene (Max), ang dating girlfriend ni TJ. Sa pagkakasakit nga ni TJ, tanging si Irene lang ang naaalala niya kaya walang magagawa si Joanna kundi ang payagang magsama uli ang dalawa.

Sey ni Lovi, “Yes, iiyak na naman ako nang sobra. Pero kasi I look at this positively. It makes me explore kung hanggang saan yung kaya kong gawin. Nakaka-excite kasi it’s gonna be a whole new me in this series.

“But, I’m really thankful kasi sa lahat naman ng binibigay nila sa akin na projects, masaya ako dun. And the thought na they’re trusting me with this is something I want to make sure that I give my best kasi hindi biro yung mga roles na ino-offer sa akin ng GMA,” aniya pa.

Para naman kay Max, isang milestone sa kanyang career ang makasama sa Someone To Watch Over Me, “Big step talaga ito sa acting career ko since iba ito sa lahat ng nagampanan ko nang roles before. And with Tom, Lovi and Direk Maryo’s help, I hope to get through this gracefully.”

Makakasama rin sa GMA Telebabad series na ito ang nagbabalik-Kapuso na si Edu Manzano bilang tatay ni Tom, Jackielou Blanco, Isay Alvarez, Ronnie Lazaro, Boy 2 Quizon, Ralph Noriega at Frances Makil.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tutukan ang kakaibang kuwento na ito ng dakilang pag-iibigan sa Someone To Watch Over Me simula sa Sept. 5, after Descendants of the Sun sa GMA Telebabad. Ito ang papalit sa magtatapos nang Juan Happy Love Story.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending