Pera at dasal ni female star wa epek sa manlolokong mister | Bandera

Pera at dasal ni female star wa epek sa manlolokong mister

Cristy Fermin - August 23, 2016 - 12:20 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

MATINDI ang nararamdamang pagkaawa ng aming source sa isang popular na female personality na may matinding pinagdadaanang personal na problema ngayon.

Ginawa raw lahat ng babaeng personalidad ang lahat-lahat para lang manatiling maayos ang pagsasama nilang mag-asawa pero hindi siya nagtagumpay.

Sa sobrang pagmamahal ng aktres sa kanyang mister ay umabot pa siya sa puntong pinaliguan niya ito ng mga mamahaling branded stuff pero wala pa ring naging positibong resulta ang kanyang pagta-trying hard.

Kuwento ng aming source, “All in the name of love. Ginawa na niya ang lahat-lahat, tinawagan na niya ang lahat ng santo para lang hindi masira ang relasyon nila, pero iba talagang manukso ang lust.

“Wala siyang kaalam-alam na habang ginagawa pala niya ‘yun, e, sige pa rin sa pangangaliwa ang husband niya, tinanggap ang mga ibinibigay niya, pero niloloko pa rin pala siya.

“Naku, wala na nga siyang binibiling para sa kanya, palaging ang husband niya ang priority ng girl na ‘yun, pero wala ring nangyari.

“Nu’ng bandang huli, e, natuklasan pa niya na ‘yung mga material things na ibinibigay niya, e, wala na pala sa cabinet, dinala na ng guy, hindi na umuuwi sa kanya,” kuwento ng aming source.

Pinagtakluban kuno ng langit at lupa ang aktres nang may mga kaibigan nang nagsabi sa kanya na may iba nang kinalolokohan ang kanyang mister. Ayaw pa niyang maniwala pero may isang nagsabi sa kanya na huwag na siyang maging tanga dahil sa totoo lang ay nasa mismong tungki lang ng kanyang ilong ang kanyang mister at ang babae nito.

“Naku, Bradly Guevarra, ikaw pa ba naman ang magpapahuli sa mga kuwento? Hindi ka na sisikatan ng araw kapag hindi mo nahulaan ang mga bumibida sa istoryang ito!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending