OSANG: Sinapak ako sa mukha! siko naman ang iginanti ko sa ilong niya! | Bandera

OSANG: Sinapak ako sa mukha! siko naman ang iginanti ko sa ilong niya!

- April 01, 2013 - 03:59 PM

rosanna rocesSa Facebook inilabas ang matinding galit sa anak, sinaktan daw ni Onyok

‘Walang kapatawaran sa ginawa mo Onyok…gagapang ka sa lupa!”

Hindi naging maganda ang Holy Week para sa mag-inang Rosanna Roces at Onyok.

Nagkaroon ng matinding away ang mag-ina and judging from Osang’s shoutouts sa kanyang Facebook account ay nauwi sa pisikalan ang kanilang pagtatalo.

Ang chika ni Osang ay nasapak siya ng kanyang anak,  “Di ako makarelax sinapak ako sa mukha….eh! Siko naman ginanti ko sa ILONG Nya!

Nanginginig ang P___ ina, di na makagalaw sa kinasadlakan…T__ ina ako pa gagalitin nyo e, laki ako sa kalsada..

Kayo P___ ina nyo puro pagpapalaki ng bayag alam nyo! Kahit dalawa pang sinlaki mo ONYOK alam mo gano ko kalakas.

Pasalamat ka wala na akong baril!” tili pa ni Osang sa kanyang FB account.

Hindi naman binanggit ng dating bold star kung ano ang pinag-awayan nila ng kanyang anak, basta panay ang busa niya sa nasabing social networking site.“Kung alam ko lang na lalaki kang ganyan at aabot sa puntong pinaka aayawan ko..yung sumagot kayo ng pabalang..pero ngayon sinaktan mo pa ko dahil sa syota mong di mo kadugo…

Sana pinatanggal ko na lang ang gamot na bumubuhay sa yo nung nagkasakit ka…walang kapatawaran sa ginawa mo onyok…Gagapang ka sa lupa!!!” walang takot na sabi ni Osang sa Facebook.

“Hindi sapat na LUMUHOD KA SA HARAP KO…. AT HUMINGI NG TAWAD NA GALING SA ILONG.

Sa Dios ka lumuhod at manghingi ng tawad…dahil sa kanya manggagaling ang kaparusahan mo sa ginawa mo sa ina mo.

Pasalamat ka na rin…yung isasaksak ko sa yo…nasalag ni Diding. Basta ako manhid na ako sa mga pinaggawa nyo sa aken….kaya ko na kayo butiisin….Nagawa ko na lahat.

AANHIN KO ANG ME KASAMA KUNG GINAGAWA NAMAN AKO TAU TAUHAN. TANDAAN MO LANG
WALANG TAONG NABUBUHAY NG PARA SA SARILI NYA LANG. WALA KA PANG NARARATING!!! Wala ka pang napapatunayan.

“AT LEAST AKO………. ICON AKO!!! EH IKAW???  BUTI NGA LUMAYAS NA!!! (NATAWA naman ako sa dayalog ko na to),” sabi pa ng galit na galit na si Osang.

Osang was very hurt sa nangyari sa kanila ng kanyang anak pero tila nakiusap siya na huwag na lang mag-comment sa kanyang mga pinagsasabi sa FB.

“Yung mga nag co comment na wala namang alam sa pagsasakripisyo….pagmamahal na walang sukatan at pagtitiis na inaabot ng isang ina na dapat sanay namamahinga na at nag e enjoy na lang sa buhay pero bagkus.. nagkakasakit pa sa paghahanap ng pera para me pagkaing maihatag sa lamesa..para makahiga sya sa malamig na kwarto habang akoy naka electric fan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pinaglalaba mo kahit na gusto nya laundry. kasi alam mong nagkulang ka ng panahon bilang ina. wag na yung mga impyernong trabahong pinasok ko mabuhay lang sila ng kumportable…WAG NA LANG KAYO MAG COMMENT,” say pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending