Broke na ex-MM mayor hanap ay ‘sugar mommy’ | Bandera

Broke na ex-MM mayor hanap ay ‘sugar mommy’

Den Macaranas - August 17, 2016 - 12:10 AM

SINUBUKANG muling ligawan ng isang dating Metro Manila Mayor ang isang may edad na ring negosyante na kanyang naging girlfriend at business partner sa mga nakalipas na taon.

Pero hindi nakahirit si Sir dahil madly and deeply in love ngayon ang mayamang negosyante sa kanyang batam-batang boyfriend.

Sinabi ng ating Cricket na broke kasi ngayon si ex-Mayor kaya gumigimik at sumusubok na baka pwedeng makadikit na naman sa mayamang businesswoman.

Isang business empire na ang meron ang nasabing negosyante at meron na rin siyang bangko sa isang lalawigan na malapit lang sa Metro Manila.

Kilala ang negosyante sa ating kwento na madaling ma-in love. At karamihan sa kanyang mga naging boyfriend ay pawang mga taga-showbiz.

Pero, ganoon talaga ang buhay siguro…dahil kung anong swerte niya sa negosyo ay lagi naman siyang nagogoyo pagda-ting sa pag-ibig.

Si Mr. Ex-Mayor naman ay nagbabakasakali lang dahil walang-wala na raw siya ngayon, ayon pa sa ating Cricket.

Ang mahirap nito, wala na nga sa pwesto pero nahaharap pa siya sa sangkatutak na kaso ng graft dahil sa kanyang mga kalokohan noong siya ay nasa pwesto pa sa pamahalaan.

Ilang taon na ang nakalilipas ay kinasuhan ng negosyante ang dating mayor dahil ibinulsa raw nito ang kita ng kanilang pinagsamahang negosyo.

Pero hindi rin tumagal ang kaso dahil pumagitna na ang ilan sa kanilang mga common friends.

Kaya naman nang minsang mangailangan ng malaking pera ay biglang naalala ng dating local official na suyuin ang dating karelasyon.

Ang mayor na nagbabakasakali sa dating girlfriend na super yaman na ngayon ay si Mayor M….as in Macho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang negosyante naman ay si Madam D….as in Datung.
Kaya n’yo bang hulaan kung sino ang bida sa ating kolum ngayon? O kaya may tanong o komento? Mag-text sa 09163025071.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending