Sawsawera at laos na female singer pinagtatawanan ng mga taga-showbiz | Bandera

Sawsawera at laos na female singer pinagtatawanan ng mga taga-showbiz

Cristy Fermin - August 17, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

PINAGTATAWANAN sa mga umpukan sa showbiz ang isang female singer dahil sa mga pinaggagagawa niya nitong mga huling panahon. Wala na nga siyang mga shows, wala na siyang pinagkakaabalahan, kaya marami siyang oras ngayon sa pakikisawsaw.

Kahit nu’ng mga panahong abala sa pagkanta ang babaeng ito ay marami nang naaangasan sa kanya. Nagkataon lang na sosyal ang kanyang pakete, pakiramdam ng female singer ay mas nakaaangat na siya sa iba, kaya maraming naiinis sa kanya.

Kuwento ng isang source, “Naalala ko pa nu’ng ma-invite na kumanta ang babaeng ‘yun sa isang malaking celebration. Marami silang singers na invited. Ang sosyalerang ‘yun, akala mo kung sino?

“Sa rehearsal pa lang, e, nagpaparamdam na siya ng kamalditahan, ayaw niyang sundin ang blocking, ang kung ano ang gusto niya ang ginagawa niya. E, hindi nakapagpigil ang director, nilapitan siya.

“Ang inis na sabi sa kanya ng sikat na concert director, ‘You’re too tall to be infront! You’re supposed to be in the second line!’

“Pahiya ang lokah, wala siyang nagawa kundi ang lumipat sa ikalawang linya. Ang tangkad na nga niya, e, gusto pa niyang nasa harapan siya? Ang liliit ng mga nasa likuran niya?

“So, nandu’n na nga siya, di ba? Aba, pasima-simangot naman ang hitad! Talagang gusto niyang nasa harapan siya! Ganu’n na siya kahit nu’n pa, pabida siya palagi!” kuwento ng aming impormante.

At ngayong La Ocean Deep na nga ang singer, may sobra-sobrang panahon na siya para sa mga bagay-bagay na hindi niya naman linya, sa totoo lang. Nakikisawsaw lang siya sa mga kontrobersiya.

“Naku, Bradly Guevarra, tapikin mo nga ang tumatanda nang female singer na ‘yun! Sabihan mo siya ng te amo, para magtigil na siya sa pakikisawsaw niya sa pulitika!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending