Miguel bubuhayin si Pagaspas sa Encantadia makalipas ang 12 taon | Bandera

Miguel bubuhayin si Pagaspas sa Encantadia makalipas ang 12 taon

Jun Nardo - August 17, 2016 - 12:20 AM

miguel tanfelix

MULING bubuhayin ang Mulawin character na si Pagpaspas sa fantaseryeng Encantadia ng GMA 7.

Makalipas nga ang 12 taon, gagampanan uli ng Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix ang kanyang role noon sa Mulawin ni Richard Gutierrez para sa GMA Telebabad series na Encantadia.

Nauna nang nagpahaging sa kanyang Instagram account ang binatilyo sa muling paglipad ng taong ibon na tutulong sa kaharian ng Encantadia simula ngayong gabi.

Sa interview kay Miguel ng 24 Oras, sinabi niyang nagbalik muli sa kanyang alaala ang mga ginawa niyang mga eksena noon sa Mulawin bilang si Pagaspas nang sabihin sa kanyang bubuhayin ito sa Encantadia.

“Nakakagulat pero ang sarap ng feeling dahil ‘yung role na ginampanan ko noong five years old ako ay gagawin ko uli. So ngayon binata na si Pagaspas,” saad ni Miguel.

Sa Friday rating ng Encantadia, natalbugan na nito ang katapat na programang Ang Probinsyano dahil ayon sa huling survey ng AGB Nielsen, nakakuha ng 26.2% ang Encantadia laban sa 25.1% ng AP.

Taob din ng Koreanovela na Descendants Of The Sun ang katapat nitong Dolce Amore sa ratings na 22.6% versus 21% habang nakakuha naman ang Juan Happy Love Story ng 18.2% laban sa 11.9% ng Born For You.

Tinalo rin ng 24 Oras ng GMA ang TV Patrol sa ratings na 26.2% versus 20.3%.
Ayon nga sa linya ng kanta ni Sharon Cuneta, “Unti-unting mararating, kalangitan at bituin…!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending