Nangangarap makapag-asawa ng foreigner? (2) | Bandera

Nangangarap makapag-asawa ng foreigner? (2)

Joseph Greenfield - August 16, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Mhelay ng Blumentritt, Murcia, Negros Occidental
Problema:
1. May nakilala po akong foreigner ng minsang may namasyal dito sa Negros. At naging kaibigan ko po siya at di nagtagal naging kami at naibigay ko sa kanya ang aking pagkababae. Makalipas ang ilang buwan na pamamalagi nya sa atin umuwi na siya ng Australia. At mula noon sa cell phone at sa chat na lang kami nagkakausap. May pangako siya sa akin na babalikan nya ako at isasama sa Australia at pagkatapos ay magpapakasal na daw kami.
2. Pero mag-iisang taon na ang lumilipas hindi pa din siya bumabalik at ang lagi nyang sinasabi ay “busy” pa daw siya sa kanyang business. Ang gusto ko lang malaman ay kung totohanin kaya niya ang kanyang pangako na babalikan nya ako at isasama sa Australia? Nasa kapalaran ko po ba ang makapag-asasawa ng isang foreigner, pangarap ko kasi ito maliit na bata palang ako? August 14, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Mhelay ng Negros  Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 1. ) ang nagsasabing ka-compatible mo ang boyfriend mong taga-Australia kun siya ay isinilang sa zodiac sign na Aries o kaya’y Sagittarius at kung ganito ang zodiac sign niya, walang duda kayo na nga ang magkakatuluyan at siya na nga ang iyong mapapangsawa.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing makapag-aasawa ka ng mayaman at ang lalaking ito ay isinilang sa petsang 7, 8, 17 o kaya’y 25. Kung ganyan ang birth date ng boyfriend mo, walang alinlangan, siya na nga ang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maunlad at pang habang bhay na pamilya.
Luscher Color Test:
Ugaliin mong magsuot at gumamit lagi ng mga kulay na dilaw, silver, gray, puti at berde. Sa nasabing mga kulay lalong bubuti at gaganda ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Mhelay ayon sa iyong kapalaran ang pinaka-mabuti mong magagawa sa ngayon ay ituloy mo lang ang kumunikasyon ninyo ng boyfriend mong taga-Australia dahil sa susunod na buwan ng Setyembre pinaka-matagal na sa Nobyembre, tutuparin nya na ang kanyang pangako – babalik siya sa ating bansa, upang mamanhikan, upang pakasalan ka at pagkatapos ay isasama ka na niya sa Australia at sa nasabing bansa sa edad mong 27, tuluyan ka ng makapag-asawa at habang buhay na magkakaroon ng isang maunlad at maligayang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending