Aktres ginamit ang koneksyon para makatambal si hunk actor | Bandera

Aktres ginamit ang koneksyon para makatambal si hunk actor

Ambet Nabus - August 16, 2016 - 12:15 AM

blind item female

GAANO kaya katotoo ang balita tungkol sa isang nagbibida na ring leading lady na umano’y hawak ngayon ng isang maimpluwensyang tao.

Ang tsika, can afford na raw ito ngayong bumili ng mga properties na milyones ang halaga at natupad na rin nito ang dream na makapasyal sa mga bansang noon ay sa mga pelikula lang niya nakikita.

Pero ang pinakabonggang dream come true para sa leading lady na ito ay ang makatambal sa isang bonggang-bonggang proyekto ang sikat at award-winning hunk actor.

Ang tsismis kasi, ang kanyang maimpluwensyang “special friend” ang silent co-producer ng project na pagbibidahan niya at ng sikat na aktor.

At para masiguro umano na magkakaroon siya ng chance na maka-bonding nang wagas ang kilalang aktor, kailangan daw na may mga eksena silang sa ibang bansa na natupad din dahil nga sa kanyang special friend na co-producer ng gagawin nilang proyekto.

Ibang klase rin kapag umiral ang pagiging “smooth operator” nitong si leading lady, huh! But of course, matindi ang magiging kapalit ng “dream come true” na ito sa kanyang special friend na super generous pagdating sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending