Sekyu binaril at napatay ang mga magulang ng nililigawan, nagpakamatay
BINARIL at napatay ng isang guwardiya ng isang korte sa Nagcarlan, Laguna ang mga magulang ng nililigawang babae bago ito nagpakamatay, ayon sa pulisya kahapon.
Sinabi ni PO3 Juanito dela Torre, imbestigador ng Nagcarlan police, na umalis ang suspek na si Richard Monfero, 34, sa kanyang puwesto sa municipal trial court sa Nagcarlan ganap na alas-5 ng hapon noong Linggo para puntahan si Francis Anne Doria, isang estudyante, na ang bahay ay katapat lamang ng gusali ng korte.
Mahigit isang taon nang nililigawan ni Monfero ang 18-anyos na si Doria, ngunit hindi naman siya sinagot ng huli, ayon kay Dela Torre.
“[Monfero] would throw chocolates or flowers for the woman over [the family’s] gate. There was one time he threw over some money ,” sabi ni Dela Torre.
Pumunta si Monfero sa bahay ng biktima noong Linggo at nagsimulang magpaputok ng baril.
Tinamaan ang nanay ni Doria na si Lorna, 52 na noon ay nasa tindahan nilang sari-sari store.
Idinagdag ni Dela Torre na lumabas ang tatay ni Doria na si Feliciano, 55, at may dalang kutsilyo nang siya ay barilin din at napatay ni Monfero.
Natamaan naman sa braso si Doria, na nasa loob naman ng kanilang bahay.
Sinabi ng mga pulis na tumangging sumuko si Monfero.
“The police had to shoot him in the leg. As they were about to approach him, Monfero shot himself in the chin,” sabi ni Dela Torre.
Namatay si Monfero habang dinadala sa ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.