Pacquiao sinabing dapat nang patawarin si Marcos at ilibing sa Libingan
SINABI ni Sen. Manny Pacquiao na dapat nang patawarin si yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos at payagan nang ilibing sa Libingan ng mga Bayani.
“Kahit gaano kasama ang isang tao, ang pinakaimportante dyan …magkaroon tayo ng forgiveness. Let our good Lord to judge everything siguro,” sabi ni Pacquiao.
Idinagdag ni Pacquiao na hindi rin dapat kalimutan ang mga nagawang mabuti ni Marcos.
“Huwag tayong magalit kung ano man ang nagawa nya. Kailangan may forgiveness tayo kasi pag wala tayong forgiveness, wala tayong pagpapatawad sa puso natin hindi tayo maka-move on,” dagdag ni Pacquiao.
Sinabi pa ni Pacquiao na hindi naman din niya kinakalimutan ang mga nagawang mga paglabag ni Marcos sa karapatang pantao.
“Kino-consider naman natin yun pero alin ang mas nauna, yung pagka-elect nya as president o yung martial law?” dagdag ni Pacquiao.
Pabor din si Sen. Panfilo Lacson sa paglilibing ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa pagsasabing dati naman siyang sundalo at dating pangulo ng bansa.
“Kung halimbawang malakas ang opposition later on at hindi matahimik, e di exhume,” sabi ni Lacson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.