USA 5 inungusan ang France | Bandera

USA 5 inungusan ang France

Dennis Christian Hilanga - August 15, 2016 - 04:37 PM

usa vs france

(AP)

NANANATILING malinis ang rekord ng Estados Unidos sa ginaganap na men’s basketball tournament ng 2016 Rio Olympics sa Brazil nang angkinin ang 100-97 pahirapang panalo kontra France nitong Linggo (Lunes oras sa Maynila).

Ito ang ikatlong sunod na tagumpay ng mga Amerikano na dikit ang mga iskor matapos ungusan ang Australia (98-88) at Serbia (94-91). Una nilang dinurog ang China at Venezuela sa tambakang laro.

Hindi naglaro para sa mga Pranses si NBA star Tony Parker. Nagbuhos nang sapat na lakas si Klay Thompson sa itinalang 30 puntos mula sa mainit na 7/13 three-point field goal habang may 17 markers ang kanyang panibagong kakampi sa Golden State Warriors na si Kevin Durant. Nagdagdag pa sina Kyrie Irving at Carmelo Anthony ng tig-10 puntos para ibigay sa koponan ang ikalimang panalo sa parehas na bilang ng laban at selyuhan ang unang pwesto sa Group A tungo sa knockout quarterfinal round na magsisimula sa Agosto 17. Bagaman naputol ang three-game winning streak ng Manila Olympic qualifying tournament winner na France at nahulog sa ikatlong posisyon sa kartang 3-2, pasok pa rin ito  sa susunod na lebel kasama ang Australia (4-1) at Serbia (2-3). Nanguna para sa Les Bleus si Thomas Heurtel 18 puntos, 8 rebounds, at 9 assists. Tumapos rin si Nando de Colo na may 18 markers habang sina Nicolas Batum at Jeff Lauvergne ay may tig-14 at 12 ayon sa pagkakasunod. Samantala sa Group B, abante na rin sa quarterfinals ang mga bansang Argentina at Lithuania habang nahaharap sa must-win scenario ang Spain, Croatia, Nigeria at host Brazil sa kanilang huling laro para manatiling buhay sa kumpetisyon.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending