Huling net satisfaction rating ng PNoy gov’t, tumaas
Leifbilly Begas - Bandera August 15, 2016 - 03:20 PM
Nakakuha ng 50 porsyentong net satisfaction rating ang huling bahagi ng administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Mas mataas ito sa 35 porsyentong net satisfaction rating na nakuha ng Aquino government sa survey noong Abril. Pinakamataas ang nakuhang rating ng Aquino government sa paglinang ng science and technology (54 porsyento), pagtulong sa mga overseas Filipino worker (52 porsyento) at pagtulong sa mahihirap (51 porsyento). Sumunod ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa (48 porsyento), pagtanggol sa teritoryo ng bansa (45 porsyento), pagbalik ng kapayapaan sa Mindanao (43), paglikha ng trabaho (40), paglaban sa krimen (31), pagsugpo sa katiwalian sa gobyerno (27). Pakikipagbati sa mga rebeldeng Muslim (25), pagkikipagkasundo sa rebeldeng komunista (25), pagtiyak na walang pamilyang magugutom (25), at pagpapanatili na mababa ang presyo ng pangunahing bilihin (19). Pinakamataas ang nakuhang grado ng gobyerno sa Visayas (62 porsyento), na sinundan ng Mindanao (60), Luzon (45) at Metro Manila (32). Ang survey ay ginawa mula Hunyo 24-27 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Unang nailathala ang resulta ng survey sa Business World, ang media partner ng SWS.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending