Baron kinontra sina Pacquiao at Duterte; madlang pipol hinamon
NAGING viral ang video rant ni Baron Geisler.
Nagpatutsada si Baron against extra-judicial killing, ang pagkakaroon ng ibang justice for the rich and poor, ang pagpatay sa mga maliliit lang na mga pusher at drug addicts. “Fight against drugs is a myth. It’s been part of our economy and other great nations for centuries.
Galing kasi talaga magpalusot ang Pinoy. Reality check. Help educate people na lang rather than scaring them with useless things. Feed them. Stop eradicating the helpless. Lend a helping hand!” say ni Baron sa video. He also commented on Manny Pacquiao’s support of the death penalty, saying na mas masahol pa sa hayop ang pumatay.
“Ok nman ang idea mo…kaya lng hindi yan ang pinaka epektibong solusyon sa problema sa droga sapagkat sinubukan na yan ng mga nakaraang administrasyon. kaya nga ganito kalala ang problema sa droga eh,” one guy reacted on the video. Sagot naman ni Baron, “Mag pa drug test lahat!!!! Random day na salita ng tao. Parang boto. Let’s see who is being real or just trying to. WALANG exceptions!! Lahat ng katabi natin. Game!!!
“Tapos tigilan ang publicity stunts nila para naman may ma sabi tayo kahit papano. Dating e lahat masama. Uneducated na nga tatakutin mo pa. E di e pag aralin nyo. Para pag dating ng araw matupad lahat ng balak nyo PRESIDENTe.”
“Baron kung ako sa yo shut up nalang ako ang dami mong daldal. baka ikaw din mapag initan ka. kung si president DIGONG ayaw makinig sa mga utos ng iba at mando e sino ka naman para sa kanya? oo mamamayan ka din pero tignan mo din sarili mo kung maayos kaba.
“Ano ba nagawa mo sa lipunan. e mahilig ka sa basag ulo at abusing alcohol kapa. tingin ka sa salamin Baron baka sakali makita mo sa sarili mo ang kalgayan ng pinas. parang ikaw lulong sa bisyo,” warning pa ng isang fan.
May sense naman ang reply ni Baron, “Lahat ng tao may second chances na puwedeng ibigay, depende na lang kung ibigay sa inyo but so far I am very disgusted.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.