Bb.Joyce magdidirek pa rin, pero exclusive na lang daw kina Aga, Robin, Juday at Piolo | Bandera

Bb.Joyce magdidirek pa rin, pero exclusive na lang daw kina Aga, Robin, Juday at Piolo

Reggee Bonoan - August 13, 2016 - 12:25 AM

joyce bernal

MALAPIT nang husgahan ang protégé ni Binibining Joyce Bernal na si Irene Villamor, ang direktor ng hugot movie na “Camp Sawi” under Viva Films.

Sa presscon ng pelikula kamakailan, tinanong si direk Joyce bilang creative manager/director kung ano ang pakiramdam na ang ilan sa kanyang mga protégé ay sikat na tulad ni Antoinette Jadaone na nakailang box-office hits na.

Idagdag pa ang kilig-serye niyang On The Wings Of Love na pinagbidahan nina James Reid at Nadine Lustre. Siya pa rin ang direktor ng bagong JaDine series na Till I Met You na nagsu-shoot na ngayon sa Greece.

At heto pa nga si direk Irene na unti-unti na ring nakikilala, “Actually, hindi ko po alam pero siguro more than the movies that I made siguro, pero ‘yung nakapagbigay ka ng another director na nakaya kong ibigay kung ano ‘yung vision nila for a movie, sobrang sarap, sobrang ibang klase, parang may Liam po ulit ako. Liam is my daughter.

“Si Tonet po at saka si Irene, they’re with me Marimar (ni Marian Rivera) days pa lang. They do the dialogues, they do scripting, they did everything po, kumbaga inalipin ko sila dahil alam kong magiging direktor sila.

“So ngayon pareho na po silang wala sa akin ngayon, I’m training two another students to be like them, pero ngayon I’m working with two directors kasi parang ‘yun po ‘yung sine-share ko sa kanila.

“Indie directors po sila, pero ang sine-share ko sa kanila is ‘yung pagiging mainstream ko, so nagmi-meet po kami kaya nagkakaroon ng ‘maindie’ na pelikula. Proud po ako sa kanila,” kuwento ni direk Joyce.

May plano pa bang magdirek si binibining Joyce ng pelikula? “Magdidirek pa rin po, because I have friends like Aga Muhlach, Robin Padilla, Juday (Judy Ann Santos-Agoncillo) and Piolo Pascual, so siguro mga friends ko, doon po ako magdidirek, pero ibibigay ko na po lahat sa mga katulad nila (Antoinette at Irene),” sagot ni direk.

q q q

Natanong naman si direk Irene kung anong klaseng mentor si Binibining Joyce, “Baka umiyak po ako. Ha-hahaha! Ano po, kasi ‘yung chance na ibinigay niya sa akin na eversince college, mentor ko na siya, so working with her was hindi lang po sa trabaho, pati sa personal so marami, everyday parang challenge siya.”

Reaksyon naman ni Joyce, “Si Irene po, pareho kong film student sa UP, so pareho po kami ng org (organization) tapos nag-apprentice po siya sa ‘Kailangan Ko’y Ikaw’ (nina Robin Padilla at Regine Velasquez, 2000), so neneng-nene po talaga sila ni Tonet.

“Si Tonet din po nag-apprentice po sa akin sa ‘Don’t Give Up On Us’ (nina Piolo at Juday, 2006), so mga fans po sila, pakalat-kalat, mga ganu’n. Mga hindi binabayaran, so now they deserve to have a film na gawin nila ‘yung gusto nilang pelikula,” paliwanag pa ni direk Joyce.

Hanga rin kami kay Binibining Joyce dahil maski na creative director/manager na siya ay nananatili pa ring nakatuntong sa lupa ang kanyang mga paa dahil simula nu’ng nakilala namin siya (1998) sa unang pelikula niyang “I’m Sorry My Love” nina Juday at Onemig Bondoc ay wala kaming nakitang pagbabago sa pakikisama niya sa amin at sa iba pang kaibigan niya sa showbiz – at 18 years ago na pala ‘yun.

Samantala, wala si Sam Milby sa “Camp Sawi” presscon kamakailan dahil may taping daw para sa seryeng Doble Kara. Ang naroon lang ay ang limang bida na sina Arci Muñoz, Andi Eigenmann, Kim Molina, Bela Padilla at Yassi Pressman.

Kaya si direk Joyce ang nag-explain ng role ni Sam sa movie, “Si Sam po ang camp master ng Camp Sawi, siya po ang nagme-make sure na alam niya ang history ng mga girls kung bakit sila napunta sa Camp Sawi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nandoon po siya sa mga oras na kailangan ng kausap, kapag magpapakamatay na, kapag nagmo-moment ka, nagwawala, kapag naglalasing, dumarating po agad siya. “Si Sam po ang nagpa-facilitate ng camp at ang number one rule sa camp is not to fall in love kaya lang po, ‘yung camp master ay may abs at saka guwapo. ‘Yun po ang ultimate test para sa mga girls na sawi.

“Dalawa lang silang lalaki sa camp, the other one is Jerald Napoles na may abs din naman pero walang choice ang girls kundi ma-fall kay Sam,” sabi pa ng direktor. May special participation din dito sina Dennis Trillo, Rico Blanco, Alex Medina, Bret Jackson at Tonton Gutierrez. Sila ang naging dahilan kung bakit nasa Camp Sawi ang limang bidang girls sa pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending