Gusto ng maka-ahon sa mga pagkakautang | Bandera

Gusto ng maka-ahon sa mga pagkakautang

Joseph Greenfield - August 13, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Adel ng Gelerang Kawayan, San Pascual, Batangas
Dear Sir Greenfield,
Baon po kami sa utang at ito ang malaking problema ng aming pamilya. Maliit lang kasi ang suweldo ng mister ko bilang guwardya, habang ako naman ay naglalabada lang. Apat ang anak namin na puro nag-aaral. Gusto ko pong mabago ang takbo ng aming buhay at makabayad sa mga pagkakautang para wala ng mga naniningil sa akin tuwing umaga. May pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan at makabayad sa mga utang? Sana bigyan nyo rin ako ng pampasuwerteng numero para makaranas man lang kami ng masarap na buhay na hindi na kinakapos sa mga pangangailang at hindi na nangungutang. January 17, 1980 ang birthday ko at May 14, 1978 naman ang mister ko.
Umaasa,
Adel ng Batangas
Solusyon/Analysis:
Cartomancy:
Nine of Hearts, King of Diamonds at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaking hindi rin iba sa inyo, at maaaring ang mister mo o kaya’y bayaw o tiyuhin mo, pagdating ng taong 2017 sa buwan ng Enero biglang magbabago ang buhay nyo.
Palmistry:
May Guhit ng Negosyo (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, darating ang saktong panahong may magpapahiram, sa inyo ng puhunan o salapi para magamit sa negosyo at ang nasabing negosyo na may kaugnayan sa grocery o tindahan ng bigas ang nakatakdang magpaunlad sa inyong kabuhayan sa susunod na taong 2017.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending