PUMALAG si Sen. Vicente “Tito” Sotto III kaugnay sa hindi mamatay-matay na isyu kaugnay ng rape case ng sexy actress na si Pepsi Paloma noong 1982.
“There was a time they were asking about Pepsi Paloma, ano kinalaman ko doon? Hindi yata nila alam (ang istorya),” sabi niya
Si Paloma ay isang Filipino-American sexy actress na ginahasa umano ng mga komedyanteng sina Joey de Leon, Richie d’ Horsie, at nakababatang kapatid ni Sotto na si Vic.
Inakusahan si Sotto na ginamit ang kanyang posisyon sa gobyerno para maimpluwensiyahan ang desisyon ng korte kaugnay ng kaso ni Paloma.
Si Paloma, na Delia Duenas Smith sa totoong buhay, ay kabilang sa mga tinaguriang “soft drink” beauties na nagking sikat noong 1980s.
Namatay siya noong 1985 matapos mag-suicide dahil umano sa problema sa pera.
Muling binuhay ang kaso ni Pepsi Paloma sa internet.
Iginiit ni Sotto na gawa-gawa lamang ang kasong rape ni Paloma ng kanyang manager na si Rey dela Cruz.
“Just look up the journals of what happened. It was Pepsi Paloma who said there was no rape. It was only a gimmick of Rey Dela Cruz,” sabi niya.
Idinagdag ng senador na hindi na siya apektado ng mga kritisismo.
“Nung una somehow naapektuhan ako kasi nga dapat sinasagot yan,” ayon kay Sotto.—
Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.