Duterte sa tutol sa FM burial sa Libingan ng mga Bayani: E di mag-rally kayo!
MAGPROTESTA kayo hanggang gusto nyo.
Ito ang tugon ni Pangulong Duterte sa mga tutol sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ani Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi pipigilan ni Duterte ang sinumang grupo na nagnanais tutulan ang paghahatid kay Marcos sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani.
“President Rodrigo R. Duterte declared this morning that he will allow public demonstration protesting the burial of former president Ferdinand Marcos, and will assign only a minimum number of policemen to direct traffic,” aniya.
Plano ng mga makakaliwang grupo na iprotesta ang desisyon ni Duterte na umpisahan ang proseso ng pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Nauna nang pinayuhan ni Sen. Leila de Lima ang mga tumututol na maghain ng petisyon sa korte para mapigilan ang planong pagpapalibing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.