Female young star bata pa lang mahadera't maldita na, insecure sa kaibigang aktres | Bandera

Female young star bata pa lang mahadera’t maldita na, insecure sa kaibigang aktres

Cristy Fermin - August 10, 2016 - 12:05 AM

BLIND ITEM FEMALE 0311

ANG kuwentong ito ay umiikot kina Young Star A at Young Star B. Pareho silang kontratadong artista ng isang malaking network at halos sabay ring pumasok sa showbiz.

Ilang taon na ang nakararaan ay si Young Star A ang nabibigyan ng magagandang trabaho sa kanilang istasyon, hindi gaanong mabenta nu’n si Young Star B, pero dumating ang pagkakataon na nabaligtad ang kuwento.

Si Young Star B na ang nakakakuha ng magagandang proyekto sa kanilang network, itinatambal na siya sa malalaking artista, mukhang napag-iiwanan na niya si Young Star A. Kuwento ng aming source, “Alam mo ba na mahadera si Young Star A? Nu’ng siya ang nakaaangat sa grupo ng mga teenstars sa network na ‘yun, e, nagpaparamdam na siya ng kamalditahan.

“Puro ex-deal ang isinusuot nila nu’n sa show na magkakasama sila, isang company lang ang kinuha ng network na magdadamit sa kanilang lahat, para walang pabonggahan. “Kapag dumarating na ang mga damit, agad nang pipiliin ni Young Star A ang mga gusto niya, getlak siya nang getlak ng type niya, du’n sa mga natitira, du’n na lang maghahati-hati ang ibang mga kasamahan niya!

“Ganu’n katindi si Young Star A, kinokopo niya ang lahat ng magagandang items, iniisahan niya ang mga kasamahan niyang artista!” napapailing na kuwento ng aming impormante. Nakatiyempo ng isang seryeng tumagal nang tumagal sa ere si Young Star B, kinabog niya si Young Star A, nabaligtad ang istorya.

Balik-kuwento ng aming source, “Matindi ang insecurity ni Young Star A kay Young Star B, kemerut lang ‘yung pagiging friends nila. Masama ang loob ng girl kapag may bagong project na pinagbibidahan si Young Star B! “Bradly Guevarra, pareho pa silang nene na naglalaro ng sexy doll, e, meron na silang competition, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending