Ogie Alcasid 49 na: Pero hanggang ngayon para pa rin akong totoy!
FORTY nine years old na si Ogie Alcasid sa Aug. 27. Kaya naman may bago uli siyang handog sa kanyang mga tagahanga, ang two-night concert niyang “Ayokong Tumanda” na gaganapin sa Aug. 26 at 27 sa Music Museum.
Batid din ni Ogie na nasanay na ang mga tao sa ballads na kinakanta niya sa kanyang mga nagdaang concert. Kaya naman sa bagong handog niya para sa mga OPM lovers, panibagong putahe ang ibibigay niya. Nandoon pa rin ang tunog-Ogie pero may makabago itong touch.
Anong bago sa birthday concert niya ngayon? “Statement! Kasi pag nagku-concert ako, puro ballads ang kinakanta ko. So hinaluan ko ng konting rep na medyo mas bago ng konti pero naka-mash up doon sa mga kanta ko. Parang, ‘Uy, kanta ni Ogie ‘yon, ah. Bakit parang tunong Justine Bieber?’ ‘Uy, kanta ni Ogie ‘yon. Bakit parang may Justin Timberlake?’ So mga ganoon. “Parang gusto ko lang ipakita na kahit medyo pa-50 na tayo, kaya pa natin kumanta ng pambagets!” pahayag ni Ogie sa pocket interview niya sa Ryu Ramen & Curry sa Tomas Morato.
Mash-up ang ilan sa repertoire niya kung saan paghahaluin niya ang kanyang mga hits at mga sikat na kanta ng foreign singers, “Usually pag nagku-concert ako, ballads. Konting patawa, ballads. Hinaluan ko lang,” rason niya. Kasama niyang nag-brainstorm ang director ng concert na si Floy Quintos at maraming ideas na lumabas.
“Pag nagku-concert ako, hindi ako masyadong kumakanta ng foreign songs. Dahil hindi naman nagpapaka-statement ako pero kasi sa dami kong kanta na na-release, nakakanta mo sa isang concert. Ngayon, ‘yung pa-mash up-mash up ko lang. Halos lahat kanta ko, from beginning to end.
“In the end, di ba nga, nagma-manage kami ng singers? Sina Lara Maigue, si Davey (Langit), si Basti nasa amin na ngayon. Si Empoy hindi makakanta. So sabi ko, eh wala naman silang TV show. Puro sila sa YouTube, digital. Para marinig naman sila, kinuha ko silang guests sa concert,” dahilan pa niya.
Komo “Ayokong Tumanda”, hindi naman ibig sabihin ay hindi niya niyayakap ang papunta niya sa pagtanda. Naitsika nga niya na may collections siya ng Pokemon 20 years ago. Na-predict niyang babalik ang craze sa Pokemon na nagkatotoo ngayong pinagkakaguluhan na ang application na Pokemon Go.
“Hinalungkat ko ang mga Pokemon ko. Sabi ko, ‘Oh, my gosh, kumpleto pala ako mula number one. Meron pa ako nu’ng number 1 na comics. ‘Yun ang na-realize ko sa sarili ko na magpu-forty nine na ako, para pa rin akong totoy!” katwiran ni Ogie.
Malaking tulong ang anak niyang si Nate at asawang si Regine Velasquez na na tuwing may bonding eh, nandoon ang paglalaro nila. “Kaya siguro hindi nawawala ang pagkatotoy ko! Na-embrace ko naman na I’m nearing 50 so I don’t think we should forget the child in us!’ deklara ni Ogie.
Sa ngayon, ang regular show lang niya sa TV5 ay ang weekly program na Happy Hour. Mag-i-expire na rin ang kontrata niya sa Kapatid Network. Kung mananatili siya sa network o lalayas na eh, after the concert na ito ibubunyag ni Ogie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.