Sulat mula kay Lailanie ng Happy Homes Centro, Daet, Camarines Norte Dear Sir Greenfield, Nag-aaral ako sa ngayon second year sa kursong Engineering. Ang probelma nahihirapan ako sa mga subject ko at isa pa mahirap lang kami kaya lagi akong kinakapos sa allowance. At noong nakaraang semester may bagsak akong subject at ito ay isa sa mga major subject namin. Naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung sa ganitong sitwasyon ko matatapos ba ako ng pag-aaral at kapag nakatapos na ako magkakaron kaya ako ng magandang trabaho? December 12, 1997 ang birthday ko. Umaasa, Lailanie ng Camarines Norte Solusyon/Analysis: Palmistry: Nag-iba ng linya ang Fate Line or Career Line (Illustration 1-1 arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, madali lang ang solusyon sa iyong problema kung saan mas mainam pang mag-shift ka sa ibang course na kokonti lang ang subject na Math, katulad ng kursong education. Sa ganyang paraan, hindi ka na masyadong mahihirapan sa iyong pag-aaral at siguradong makakatapos ka ng kolehiyo. Cartomancy: Ten of Hearts, Ten of Clubs at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa sandaling nag-iba o lumipat ka ng kurso, “sisiw” o madadalian ka na sa pag-aaral, hanggang sa tuloy-tuloy ka ng makatapos ng kursong education at madali ka ring papasa sa board exam dahil ang nasabing kurso ay tugmang-tugma sa iyong kapalaran. Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
