Digong hindi tinupad ang pangako na wala nang murahan | Bandera

Digong hindi tinupad ang pangako na wala nang murahan

Jobert Sucaldito - August 08, 2016 - 12:25 AM

duterte-mindanao-1-620x413

OKAY naman sana si Digong sa kaniyang mga iminumungkahi pero sana, since presidente na siya ng bansa, sana’y maging maingat na siya sa kaniyang pananalita.

Nakakatuliling na nga sa tenga tuwing nagbabanggit siya ng “patayin na iyan” or anything that has to do with liquidation sa mga drug offenders, pero yung bumalik siya sa sisteng mura nang mura everytime he speaks, sana maiwasan niya dahil maraming mga kabataan ang nakikinig at nanonood sa kaniya.

Bawasan sana ang pagiging bastos sa pananalita, puwede naman niyang i-push ang mga nais niya by using decent language, di ba? Puro P.I. ang maririnig mo sa bibig niya – meron pa siyang dialogue on kalibugan and all. It’s very distasteful.

“Mahirap pa namang salungatin ang mga sasabihin niya. Para kasi siyang tyrant kaya nakakatakot at baka pag-initan ka. Parang nawawalan na tayo ng kalayaang mag-react or magsalita against him or sa mga bagay na salungat sa opinyon niya. May pagkapikon kasi ang dating niya. Pero sana ay maingat na lang siya sa pananalita, puro paghahasik ng lagim ang naririnig ko sa bibig niya plus the bad words. Di ba sabi niya aalisin na niya ang ganoong pananalita?” ang sabi ng isang kapitbahay namin.

Hay naku, ayoko lalong mag-comment at baka tsugiin pa ako, ‘no? Paano na ang mga mhin ko kung pinatigok niya ako? Ha! Ha! Ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending