‘Kusina’ ni Judy Ann malakas ang laban sa Cinemalaya | Bandera

‘Kusina’ ni Judy Ann malakas ang laban sa Cinemalaya

Ervin Santiago - August 04, 2016 - 12:20 AM

judy ann santos

SAMANTALA, wala pa ring kupas si Juday bilang aktres. Muli niyang pinatunayan ang pagiging Drama Queen sa Cinemalaya entry na “Kusina” na idinirek nina Cenon Obispo Palomares at David Corpuz.

Ramdam na ramdam mo ang bawat eksena niya sa pelikula, lalo na ang pagiging nanay, asawa at kaibigan. Maraming drama moments si Judy Ann sa “Kusina” pero ang talagang tumatak sa amin ay ang grabeng pag-iyak niya nang mamatay ang kanyang anak. Ang bigat-bigat ng eksenang ‘yun, talagang lupasay si Juday habang iyak nang iyak.

Medyo mataba nga ang misis ni Ryan sa pelikula pero bumagay naman ‘yun sa role niya. Sabi nga ni Juday nang makapanayam namin, kaya nga niya tinanggap ang nasabing Cinemalaya entry dahil hindi na niya kailangang magpapayat. Kailangan din kasi ‘yun sa kanyang karakter bilang nanay na walang gustong gawin kundi ang ipagluto at pagsilbihan ang kanyang mga mahal sa buhay.

Sa lahat ng fans ni Juday na naka-miss sa kanya, ito na ang pagkakataon ninyo na muling mapanood ang tinaguriang Young Superstar sa isang makabuluhan at madramang proyekto. At sigurado kami na malakas ang laban niya rito sa pagka-Best Actress kahit na nga marami siyang makakalabang magagaling din kabilang na ang Superstar na si Nora Aunor para sa pelikulang “Tuos”.

Kasama rin sa “Kusina” sina Luis Alandy, Joem Bascon, Gloria Sevilla, Angeli Bayani, Trina Legaspi, Princess Ortiz, CJ Navato at marami pang iba. Mapapanood na ito simula sa Aug. 6 hanggang Aug. 14. Magkakaroon din ito ng Gala Night sa Aug. 9, 6 p.m. sa CCP Main Theater, Tanghalang Nicanor Abelardo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending