X Factor Israel winner Rose Fostanes bibirit sa Pinas | Bandera

X Factor Israel winner Rose Fostanes bibirit sa Pinas

Cristy Fermin - August 04, 2016 - 12:25 AM

rose fostanes

NAPAKA-professional ni Rose Fostanes, ang kababayan nating naging grand champion ng X Factor Israel, ang caregiver na nang mabasa na may audition pagkatapos niyang mag-grocery ay agad na nagpalista na at umakyat sa entablado.

Iniwan niya muna sa isang sulok ang dalawang supot ng pinamili niya, kaswal na kinanta ang “This Is My Life”, nagtayuan ang mga hurado at binigyan pa siya ng standing ovation.

Walang-wala sa isip ni Rose Fostanes na napakalayo pala ng biyaheng mararating niya sa X Factor Israel, siya pala ang magiging kampeon, sa ibang bansa pa pala madidiskubre at tatangkilikin ang husay niya sa pagkanta.

Bukod sa maganda niyang boses ay may isa pa kaming alam na dahilan kung bakit siya nagtagumpay.

Napakapropesyonal ni Rose Fostanes, sa maraming pagkakataong nagiging panauhin siya sa maraming TV at radio program ay hindi siya nagiging problema, maaga siyang dumarating.

At tunay siyang singer dahil kahit alas sais pa lang nang umaga ay kayang-kaya niyang kumanta, du’n iwas na iwas ang maraming singers, dahil sarado pa raw ang lalamunan nila.

Nakaupo niyang kinanta ang mga piyesang makalaglag-baga, wala siyang ka-effor-effort, hindi nagkamali ang X Factor Israel sa pagbibigay sa kanya ng korona.

Sa August 24 nang gabi, sa Zirkoh-Tomas Morato, ay tayo namang mga kapwa niya Pilipino ang bibigyan ng pagkakataon ni Rose Fostanes na maka-experience ng kanyang talento.

Magkasama sila ni Michael Pangilinan sa gabing ‘yun, magsusukatan ng galing sa pagkanta si Osang at ang guwapong singer-actor, nandu’n din ang iba pang singers na sumali na rin sa mga banyagang singing contest.

Sana’y suportahan natin ang talento ni Rose Fostanes, patunayan natin sa kanya na kung matindi ang suporta sa kanya sa Israel ay ganu’n din dito sa atin, magkita-kita tayo sa Zirkoh sa August 24.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending