Joseph ikinasal na sa non-showbiz GF; Joross, Roxanne naki-celebrate | Bandera

Joseph ikinasal na sa non-showbiz GF; Joross, Roxanne naki-celebrate

Ervin Santiago - August 01, 2016 - 12:25 AM

joseph bitangcol and wife

IKINASAL na ang young actor na si Joseph Bitangcol sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Franchesca Tonson. Ginanap ang kasalan sa Sweet Harmony Gardens, Taytay, Rizal nitong nagdaang Sabado na dinaluhan ng pamilya ng bagong kasal at malalapit nilang mga kaibigan.

Naging magdyowa sina Joseph at Franchesca noong Dec. 13, 2014. Very open naman ang dalawa sa kanilang relasyon, sa katunayan palagi silang nagpo-post ng mga litrato nila together sa kani-kanilang social media accounts.

Hindi na gaanong aktibo si Joseph sa showbiz, napapanood siya paminsan-minsan sa mga programa sa telebisyon pero wala siyang regular na trabaho sa ngayon. Ang napangasawa naman niyang si Franchesca ay kasalukuyang nag-aaral ng Nursing sa University of The Philippines

Nagsilbi ring reunion ng Star Circle Quest ang kasal ni Joseph dahil dumalo rin sa kanyang wedding ang ilan sa mga ka-batch niya sa nasabing reality search noon ng ABS-CBN.  Naroon sina Joross Gamboa, Roxanne Guinoo at Raphael Martinez. Magkasama pa sa table ang ex-couple na sina Joross at Roxanne kasama ang misis ng una na si Katz.

Ilang photos ang ipinost nina Joross at Roxanne sa kanilang Instagram accounts na kuha sa reception ng kasal. Isang video rin nina Joseph at Frenchesca habang kumakanta ng “Cruisin” ang ipinost ni Roxanne sa IG.

q q q

Speaking of Joross Gamboa, hindi niya itinuturing na trabaho ang pagte-taping para sa GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story. Hindi rin siya nanibago sa kanyang mga katrabaho dahil kilala na niya ang mga ito at hilig talaga niya ang comedy.

“Nag-eenjoy kami sa mga eksena. Kadalasan nga ay nag-a-adlib kami. Ginagawa na-ming parang sitcom pero hindi yung OA. Kaya yun yung humor namin. Tsaka ang maganda sa palabas na ito ay edgy siya at may halong comedy,” sey ng aktor. Ginagamapanan niya ang role ni Bob na obsessed kay Happy na role naman ni Heart Evangelista.

Maraming manonood at netizens nga ang aliw sa kanyang karakter. Very natural ang pagko-comedy niya kaya naman naging magaan at madali para kay Joross ang serye. Samantala, masayang ibinalita ni Joross na busy siya ngayon sa pagre-renovate ng kanilang bagong biling bahay. Ito na ang maituturing niyang bunga ng kanyang pagsisikap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending