Paolo walang idea kung babalik pa sa Eat Bulaga: Sobrang miss ko na sila!! | Bandera

Paolo walang idea kung babalik pa sa Eat Bulaga: Sobrang miss ko na sila!!

Ervin Santiago - July 30, 2016 - 12:10 AM

paolo ballesteros at dennis trillo

MISS na miss na ni Paolo Ballesteros ang Eat Bulaga, lalo na ang mga kasama niya sa kalyeserye ng noontime show na sina Wally Bayola, Jose Manalo at Maine Mendoza.

Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment press si Paolo sa shooting ng bago niyang movie under Viva Films, ang comedy film na “Baket Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” sa St. Vincent de Paul church sa Tandang Sora, Q.C., dito nga siya nagkuwento tungkol sa suspension niya sa Eat Bulaga.

Sey ni Paolo, wala pa rin siyang idea kung kailan siya magbabalik sa noontime show ng GMA 7, wala rin daw siyang alam kung pababalikin pa siya sa programa dahil wala pang advice sa kanya ang management.

“Pero siyempre, miss na miss ko na sila. Iba pa rin kasi ‘yung araw-araw kang nagtatrabaho, araw-araw kang nakaka-meet ng iba’t ibang klase ng mga tao sa kalyeserye, sa mga barangay.

“Minsan nga, kapag nasa labas ako, like may shooting, nakakatuwang makita ‘yung mga tao, ang tawag pa rin nila sa akin Lola Tidora. Minsan naman, nakikipag-selfie sa akin yung mga lola. Kaya nakakatuwa naman.

“So, yun, nakaka-miss yung mga ginagawa namin sa mga barangay,” pag-amin ni Paolo na todo-make-up pa nang makausap namin dahil nga katatapos lang kunan ng mga eksena niya sa “Baket Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo at Anne Curtis.

Nagbiro pa nga ang Make-Up Transformation King (or Queen) na wala na rin siyang ipinagkaiba kina Jose at Wally dahil pare-pareho na silang na-suspend sa EB.

“Naglolokohan nga kaming tatlo, sabi ko ka-level ko na rin sila, it’s a tie na, di ba? Dahil nga nawala rin sila for a while. So, sabi ko, ‘O, pare-pareho na tayo, wala na kayong maipagmamalaki sa akin!” natatawang chika pa ni TV host-comedian.

Naitanong ko rin kay Paolo kung magkakaroon siya ng offer to do some projects sa ABS-CBN, tatanggapin ba niya? Nag-isip muna ang aktor sabay sabing, “Hindi ko alam, e. Hindi ko pa siya naiisip. Wala, hindi ko pa masasagot.”

Samantala, nu’ng sabay na naming kachika sina Paolo at Dennis, tinanong namin ang Kapuso Drama King kung papayag ba siyang makipaghalikan sa TV host-comedian sa isang proyekto. Hindi pa nakakasagot si Dennis, humirit agad si Paolo ng, “Grabe kayo. Ako muna kaya ang tanungin n’yo, kung papayag ako!” sabay halakhak nang bonggang-bongga.

Nag-request ang press na kunan silang dalawa together na parang magdyowa, halatang ilang na ilang si Paolo kapag tinititigan na siya ni Dennis at aktong hahalikan na. In fairness, may chemistry ang dalawa kaya hindi na kami magtataka kung magkaroon agad ng follow-up ang kanilang comedy film.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Feeling namin, hindi aatrasan ni Dennis kung magkakaroon man sila ng kissing scene ni Paolo sa kanilang movie. Knowing him, game na game ‘yan sa lahat ng ipagawa ng kanilang direktor for art’s sake.

Ang “Baket Lahat Ng Gwapo May Boyfriend” ay sa direksiyon ni Jun Lana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending