Melai kay Jason: Siya ang forever ko, kaya dapat kong ipaglaban!
IPAGLALABAN ni Melai Cantiveros ang kanyang husband na si Jason Francisco dahil naniniwala siya that there’s “forever”. Ito’y matapos maglitanya si Jason sa kanyang Instagram account tungkol sa paghihiwalay nila ni Melai kasabay ng pag-amin na matinding selos ang isa sa mga dahilan ng kanilang break-up.
Kahapon ng umaga sa episode ng morning show nila na Magandang Buhay, naging emosyonal si Melai nang mapag-usapan ang tungkol sa destiny at greatest love. Ramdam na ramdam ng viewers ang sakit na pinagdaraanan ngayon ng comedienne.
Humugot si Melai at naiyak nang magkomento na siya tungkol sa kasabihang, “sometimes even the greatest love has to end so you can find your destiny.” “Sa opening, ang sinasabi n’yo ang greatest love ay iiwanan mo para ma-meet mo ang destiny mo. Hindi ako nag-agree doon. Kayong dalawa nag-agree kayo.
“Ako naman hindi ako nag-agree doon kasi nga ‘yung greatest love ko ay ‘yung destiny ko. Saka ‘yung destiny ko ay ‘yun ‘yung asawa ko. Mahal na mahal ko ang asawa ko,” ang pahayag ni Melai habang tumutulo ang luha. She added, “So kahit anong problema ang dumating, paglalabanan ‘yan kasi siya ang forever ko. Forever is a choice and I choose my forever.”
Aside from this, Melai also posted a long message sa IG account nila ni Jason (@mrandmrsfrancisco). Feeling namin, ito’y pagtatanggol niya sa mga namba-bash sa asawa, “Ang asawa ko ang pinaka-best na asawa sa lahat. Walang bisyo, di umiinom, di nagyoyosi. Kami lang ang bisyo ng asawa ko.
“Good provider ‘yan at kami lang ang inuuna niyan kahit kaninu man. Kaya ganun-ganun na lang niya kami kamahal. Ramdam na ramdam namin ni Mela yun. “Overprotective siya sa amin sa lahat ng bagay. Sa mga mag-asawa, pagdadaanan talaga ang mga pagsubok at ang pagsubok ay unlimited.
“Kaya sa mga nagba-bash sa asawa ko, kung may respeto kayo sa relasyon namin, sa akin, sana ay tigilan niyo na at kami lang din ang makakaayos nito. Kung wala man kayong magandang sabihin, wag na lang kayo pumindot at manakit. Hindi niyo kilala asawa ko at di niyo alam kung saan siya nanggagaling. I’m sure lahat tayo may ganu’n.
“May mga mali at tama, pero time will heal all wounds. Walang kampihan at di kailangan ng kampihan kung sino dito kasi di naman kami magkaaway. MAG-ASAWA po kami.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.