Kim: Laki ako sa hirap perso hindi ako pokpok! | Bandera

Kim: Laki ako sa hirap perso hindi ako pokpok!

Jun Nardo - July 30, 2016 - 12:01 AM

kim domingo

BINATO ng mga pangit na tsismis ang baguhang Kapuso sexy star na si Kim Domingo nang magsimula nang uminit ang pangalan niya sa showbiz.

Palibhasa’y makinis, inosente ang dating at malaki ang boobs kaya nagawang gisingin ni Kim Domingo ang natutulog na damdamin ng kalalakihan lalo na ‘yung mayayamang negosyante at pulitiko, huh!
May sarili na raw siyang bahay, mamahaling kotse, maraming pera at puwede raw ma-take if the price is right.

“Noon pa namang nagmo-model ako, marami ng nakakarating sa aking indecent proposals. Pero hindi ko sila kilala. Pinasasabi lang sa akin. Hindi po ako pokpok!” diin ni Kim nang makausap ng press sa taping ng Juan Happy Love Story ng GMA kung saan si Dennis Trillo ang lumalandi sa kanya sa mga eksena.

Bata pa lang daw siya ay gusto na niyang maging artista. Sumali siya noon sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga (2000) kung saan naging fourth runner up siya. Sinubukan din niyang pumasok sa artista search gaya ng Artista Academy ng TV5 at Pinoy Big Brother pero luhaan siya.

Napansin siya ng FHM nang mapabilang sa dancers ni Willie Revillame sa Wil Time Big Time ng TV5 noon. Sinundan ‘yon ng ginawang video ng “Twerk It Like Miley” na nag-viral at umabot ng milyong views kaya naging interesado sa kanya si Boy2 Quizon, sinama sa mga video hanggang maging bahagi na siya ng Bubble Gang.

Itinanggi rin niyang naging dancer siya sa Pegasus bar bago naging artista, “Narinig ko na rin po ‘yan. Hindi po totoo ‘yon. Napasok ako sa Hollywwod (sa Timog) pero nagbenta lang kami ng alak. Six months lang yun,” saad ng sexy star.

May mamahalin daw siyang kotse na bigay ng DOM? “Ay, wala pa po akong kotse. ‘Yun ang pinag-iipunan ko. ‘Yung bahay at lupa ko naman po, ‘yung perang pinang-down ko, galing sa napanalunan ko sa modeling contest. Ticket selling ‘yon at second placer ako,” rason ni Kim.

Hindi itinatanggi ni Kim na galing siya sa hirap. Laking-Novaliches siya at isang French ang father niya. Hindi na niya na-meet ang ama dahil naanakan lang ang nanay niya. “Siyempre, gusto ko rin siyang ma-meet. Pero baka matanda na rin siya. Siguro hanapin ko na lang siya sa internet,” sey niya.

Nag-Dentistry si Kim sa Fatima College pero hanggang second year lang siya dahil sa kapos sila sa pera. Nagwakas na rin ang relasyon niya sa kanyang boyfriend of six years at meron siyang BF na dating PBA player pero kumalas na’t pumasok na sa modeling.

Handa na ba siya sa mas malalang tsismis ngayong napapansin na siya? “Sa modeling naman, marami ng intriga at tsismis. Sanay na naman ako at handang sagutin ang binibintang nila,” tugon ni Kim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending