Mga dismayadong NSA magsusumbong kay Duterte | Bandera

Mga dismayadong NSA magsusumbong kay Duterte

Angelito Oredo - July 29, 2016 - 01:00 AM

NAIS ng ilang national sports association (NSA) na makaharap si Presidente Rodrigo Duterte upang maiparating nila ang kanilang mga hinaing at problema sa ilalim ng Philippine Olympic Committee (POC).

Pero bago nila makaharap si Duterte ay kakausapin muna nila si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez sa susunod na linggo.

Kasama sa grupong ito ang mga asosasyon na natanggal bilang miyembro ng POC sa ilalim ni POC president Jose “Peping” Cojuangco.

“Sana naman ay mapakinggan na kami ngayon. Matagal na panahon na rin na naging bingi sa amin ang ahensiya ng gobyerno sa sports at sana sa panahon ni Pangulong Duterte ay maisaayos ang direksyon sa pagitan ng POC at ang PSC,” ayon sa isang opisyales na tumangging magpakilala.

Ipinaliwanag ng opisyales na maihahalimbawa ang asosasyon ng table tennis na patuloy na pinagkakaguluhan ang liderato sa pagitan ng kampo nina Ting Ledesma at Senador Antonio Trillanes.

Dahil sa kaguluhan sa liderato ay hindi ito pinaglalaanan ng pondo ng PSC base na rin sa atas ng POC.

Ilang NSA rin ang isinailalim sa hurisdiksyon at pamamahala ng POC tulad ng billiards at bowling.

“Sinisiguro nila na puro mga bataan at hawak nila sa leeg ang mga pinuno ng mga NSAs para pagdating ng eleksyon ay sila ulit ang mauupo at mananagana sa dapat na mapunta sa mga atleta,” sabi ng opisyal.

Marami pa umanong ibubunyag ang mga opisyales kung magaganap ang kanilang pakikipagharap kay Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending