Himutok at hiling ng Marinong Pinoy | Bandera

Himutok at hiling ng Marinong Pinoy

Susan K - July 29, 2016 - 12:10 AM

MASAYA naming nakakuwentuhan ang ilan sa ating mga marino sa Luneta sa Maynila. Tinagurian namin iyong PTM o ang Pambansang Tambayan ng mga Marino.

Pamilya naman tayo na ang Luneta ang siyang sentro ng mga marinong naghahanap ng barkong masasakyan, ng mga bagong baba sa barko, ng mga taga probinsiya na nasa Maynila upang mag-ayos ng kanilang mga dokumento.

Live-on the air naming inihatid ang Bantay OCW program mula sa Luneta, kasama si Atty. Dennis Gorecho, ang ating maritime lawyer mula sa SVBB Law Office.

Sa kagandahang loob ng Luneta Seafarer’s Welfare Administration sa pamamagitan ni Anfred Yulo, nakahalubilo namin ang ating mga marino at personal nilang ibinahagi ang kanilang mga karaingan.

Ikinatuwa nila nang bigkasin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation address na gagawing 10 taon ang expiration ng pasaporte, pati na rin ang kanilang SRB o Seaman’s Record Book.

Hirit pa nga ng ilan kung puwede bang forever na ang kanilang seaman’s book, para hindi na kailanganin pag i-renew ito. Kung mawala o masira ay saka na lamang papalitan ng bago.

Isa pang nais nilang pagtuunan ng pansin ang tinatawag na Yellow Paper mula sa Department of Health.

Sabi ng isa nating seafarer, mga 10 taon na ang nakararaan, P350 ang halaga ng naturang dokumento.

Ngayon ‘anya, nasa P1,500 na ito.

Tanong nila ay kung bakit kailangan pa nang ganitong yellow paper?

Kung kailangan pa rin ‘anya iyon para sa kanilang quarantine, tanong nila kung maaari bang libre na lamang ang naturang dokumento?

Isang kabayan naman natin na may 20 taon nang nagbabarko ang nagsabing tanggalin na ang mga training na hindi naman nila kailangan.

Bukod pa sa panay gastos ‘anya ang bawat training na kanilang dinadaluhan sa mga panahon ng kanilang pagbabakasyon, dapat ay ginugugol na lamang ‘anya ang mga panahong iyon kapiling ang pamilya at mga mahal sa buhay. Nakaka-agaw nga naman ito ng kanilang panahon. Maiksi na nga lamang ang kanilang bakasyon o inilalagi sa bansa, sasamahan pa nang kung ano-anong training.

Ngayong patungo sa mas maraming pagbabago ang direksiyon ng administrasyong Duterte, ito na rin ang panahon upang higit na pagtuunan ng pansin ang mga lehitimong isyu ng ating mga marino.

Sa ating mga kinauukulan, patuloy sana ninyong pakinggan ang mga hinaing ng ating mga marino na nagsasakripisyo sa kabila ng maraming panganib na kanilang sinusuong sa araw-araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM mula Lunes hanggang Biyernes, alas 10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali; audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW Website: bantayocwfoundation.org E-mail: [email protected]/ [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending