Alden: Hindi po ako nagpapabayad para lang maka-selfie ako ng fans! | Bandera

Alden: Hindi po ako nagpapabayad para lang maka-selfie ako ng fans!

Jun Nardo - July 29, 2016 - 12:20 AM

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS

NAGBIGAY ng oras si Alden Richards upang pasalamatan ang entertainment press na naging bahagi ng kanyang showbiz career mula nu’ng unknown pa siya hanggang nga-yong isa na siya sa pinaka-successful na young actors sa bansa.

Galing sa sariling bulsa ang cash na ipina-raffle niya sa lahat ng dumalo na sinamahan pa ng sangkaterbang giveways mula sa produktong iniendorso.

Siyempre, pinasalamatan din ng Pambansang Bae si Maine Mendoza na malaki rin ang naitulong sa kanyang career upang maging pheno-menal ang kanilang loveteam. Pinatunayang lalo ito nang malaking tagumpay ng launching film nilang “Imagine You & Me” bilang loveteam.

“Hindi ko pa po alam ang official (na kinita) dahil maraming lumalabas. Iwan na lang natin sa mga producer ang amount.

“Bale ngayon, may ginagawa akong second album after ng ‘Wish I May’. Then, ‘yung libro ko po which is Alden ‘In My Own World’, is out na po sa lahat ng bookstore. Still, Eat Bulaga everyday, then, Sunday Pinasaya at may naka-line up na international shows before sa last quarter,” pahayag ni Alden.

Ayon kay Alden, hindi niya naramdaman na nabapayaan siya ng entertainment press simula nu’ng baguhan pa lang siya.

“Itong small gathe-ring natin is parang may small own way of thanking you. Kasi bihirang-bihira tayong magkita especially last year, naging seldom ang presscon, nandiyan pa rin kayo. Salamat po. Never ending thanks to all of you,” deklara ni Alden.

Natanong din ang Kapuso heartthrob tungkol sa mataas na presyo ng ticket sa block screenings for their movie.

“Hindi po ako na-inform doon pero alam kong para sa charity po ‘yon. Kung may nagpapalabas na nagbabayad ako para ma-meet ako, mayaman o mahirap, hindi po ako nagpapabayad para ma-meet ako. Miscommunication lang ‘yung nangyari before,” tugon niya.

Pagdating naman sa teleseryeng gagawin niya, waiting lang siya sa ibibigay ng GMA. Pero nagpahaging siyang pinaplantsa na ang series na pagsasamahan nila ni Maine.

“Meron. On the works na,” balita ni Alden.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eh, pagdating sa patuloy na namba-bash sa kanya, “Nasanay na po ako. Hindi ko naman kawalan kung ano ang sinasabi sa akin kasi at the end of the day, ako naman po ito. Siguro ‘yung taong mahal ko at mahal ako, sila lang po talaga ang nakakakilala at nakakaintindi sa akin!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending