Huling sweldo naka-hold | Bandera

Huling sweldo naka-hold

Liza Soriano - July 27, 2016 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa inyo Ma’am Liza Soriano. Di lang po isa o dalawang beses akong nag-email sa inyo noon pero ni isa ay wala po kayong tinugunan.

Sana po itong bago kong isasangguni sa inyo ay mabigyan mo ng pansin.

Ito po ay tungkol sa anak kong dalaga na nagbitiw sa kanyang trabaho.

Nagbigay po siya ng 15 days palugit bago ang takdang-araw ng pagbibitiw sa trabaho. Nagbigay ang anak ko ng sulat para magbitiw sa trabaho noong June 13, 2016 na may takda katapusan ng June 30, 2016. Sa loob ng ilang araw ay walang natatanggap na tugon mula sa kompanya ang aking anak subalit isang araw bago ang takda ng kanyang pagbibitiw ay saka lang po binigyan pansin ng kompanya ang kanyang pagbibitiw sa trabaho subalit nakapagdesisyon na ang anak ko na magbitiw.

Ang ginawa po ng kompanya ay hindi binigay ang sweldo ng anak ko ang sinabi sa kanya ay naka-hold daw ng 35 days ang sweldo niya.

Tama po ba ang ginawa ng kompanya sa anak ko ang pinaghirapan niya ay pinigilan ng kompanya?

Gumagalang at umaasa sa inyong tugon.

Maraming Salamat.
Mr. Lorimer Nathaniel A. Manabat
Ama

(Name ng anak ko : JIELYN C. MANABAT
ang company
NEZDA)

REPLY: G. Manabat:
Natanggap po namin ang inyong email sa pamamagitan ni Ms. Liza Soriano.

Ayon po sa Labor Law, maaari pong i-hold ng company ang suweldo ng isang manggagawa na nagbitiw at ibibigay ito matapos na maapruba ng management ang clearance nito.

Sa practice po, binibigyan ang mga kompanya ng dalawang buwan o 60 araw para maapruba o hindi aprubahan ang clearance ng empleyado.

Ang clearance ay upang malaman kung may mga dapat pang i-settle ang o isauli ang empleyado sa kompanya.

Sana po ay nakatulong kami sa inyo.

Salamat po.

Celeste T. Maring
Department
of Labor and Emplo
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending