Angeline sa isyu ng kabadingan: Never akong nagduda sa pagkalalaki ni Erik! | Bandera

Angeline sa isyu ng kabadingan: Never akong nagduda sa pagkalalaki ni Erik!

Ervin Santiago |July 26,2016
facebook
share this

Angeline sa isyu ng kabadingan: Never akong nagduda sa pagkalalaki ni Erik!

Ervin Santiago - July 26, 2016 - 12:25 AM

angeline quinto at erik santos

TUNGKOL sa kabadingan ang bagong pelikula ni Angeline Quinto under Regal Entertainment, ang “That Thing Called Tanga Na” sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Kaya naman sa presscon ng movie ay naitanong sa Kapamilya singer-actress kung hindi ba siya nagduda sa gender ni Erik Santos na matagal nang nakukuwestiyon ang pagkalalaki.

Si Eric ang pinakamalapit na lalaki ngayon sa buhay ni Angeline at very open naman sila sa pagsasabing gusto nila ang isa’t isa pero sabi ng dalaga, hindi pa siya handang pumasok sa seryosong relasyon.

Ayon kay Angeline, naniniwala siyang tunay na lalaki si Erik at hindi raw niya kailanman pinagdudahan ang gender nito, “Never po, kahit marami akong naririnig, never. Kasi, hindi naman siya ganu’n sa akin, wala akong nakitang kahit ano.”

Dito rin inamin ng dalaga na na-broken hearted siya two years ago matapos silang maghiwalay ng kanyang non-showbiz boyfriend, “Nagkaroon po ng problema simula po nu’ng naging busy ako, so, pinagselosan lahat.”

“After nu’n, si Erik na po yung medyo naging malapit sa akin. Siya po ang nagpaintindi sa akin na naging tanga ako sa pag-ibig. Ngayon po masaya naman ang puso ko. Wala lang po akong relationship ngayon, hindi ko pa talaga naiisip na pumasok sa isang relasyon ngayon,” chika pa ni Angeline.

Nanghihinayang din daw siya na hindi sila nagkatuluyan ni Erik, “Eh si Erik po kasi, gusto na niyang mag-asawa. Kasi nga, ilang taon na siya. So, pag pinag-uusapan po namin ‘yun, very vocal naman ako sa kanya na ganu’n. Sobrang sayang lang po talaga, pero siguro, hanggang doon lang.”

Samantala, nagulat naman si Angeline nang ikumpara siya ni direk Joel Lamangan kay Sharon Cuneta dahil sa akting na ipinakita niya sa “That Thing Called Tanga Na” kung saan makakasama rin niya sina Eric Quizon, Kean Cipriano, Martin Escudero at Billy Crawford.

“Siyempre, kay Ma’m Sharon ako nanggaling, ‘di ba? Nagulat ako na maikumpara sa ating Megastar. “Sabi ko nga po kay Direk Joel at Direk Eric Quizon, kung mabibigyan ako ng chance na gawin yung movie nila ni Herbert Bautista na ‘Jack & Jill’, sobrang paborito ko kasi yon, so sana kung may chance na mai-remake yon, sana mapili ako kasi sobrang challenging yung role na yon kung sakali,” hirit ng dalaga.

Showing na ang “That Thing Called Tanga Na” sa Aug. 10 nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending