Piolo: Gusto ko talagang maging pastor, pero…!
MATAGAL na palang pangarap ni Piolo Pascual ang maging pastor. Simula raw nang maging Christian siya, lagi niyang iniisip kung ano ang magiging buhay niya kapag naging isa siyang pastor.
Kagagaling lang ni PJ sa United Kingdom kung saan kumuha siya ng short course (Apologetics) sa Oxford University sa United Kingdom para mas mapalawak pa ang kaalaman niya tungkol sa Kristiyanismo.
“Masarap maging estudyante ulit. You get to learn new things and you get to apply it in your life ‘yung knowledge na nakukuha mo. Ang ganda kasi meron kang pwedeng magtanong and ang sarap magtake down ng notes,” ani Piolo sa panayam ng ABS-CBN.
At ng tanungin nga ang Kapamilya actor kung nais ba niyang maging pastor, “I’ve always wanted to be a pastor. I guess it’s just that now, my calling is just be in show business so I’m putting it aside because I guess pwede mo namang gamiting ‘yung influence mo sa field mo and I was very clear when I became a Christian.
“I told the pastor, ‘I wanted to be a pastor’. Sabi niya, ‘No, kailangan namin ng mga katulad mo sa showbiz’ so mas mahirap ‘yung temptasyon pero sa awa ng Diyos, nandito pa rin tayo,” kuwento pa ni Piolo.
Dagdag pa niya, “Kasi bilang celebrity ako, mahirap maging pastor, di ba? Baka magkaroon ng conflict of interest pero okay naman ako.” Nang matanong naman ang binata tungkol sa relasyon ng ex-girlfriend niyang si KC Concepcion sa atletang si Aly Borromeo, sinabi nitong masaya siya para sa anak ni Megastar Sharon Cuneta.
“I’m happy for her. I always pray for her happiness. It’s good that there’s someone who is taking care of her and I’m just really, really happy for her,” aniya. Wala na rin daw isyu sa kanila ni KC after their break-up,“Yeah, we talked once, twice and we exchanged messages sa text so we’re good.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.