Iba ang diskarte ni Guiao | Bandera

Iba ang diskarte ni Guiao

Barry Pascua - July 25, 2016 - 01:00 AM

MARAMING tumutuligsa kay Rain Or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao matapos na matalo ang Elasto Painters sa TNT Katropa, 101-98, noong Miyerkules.

Mangyari ay tila patungo na sa tagumpay ang Rain Or Shine sa larong iyon matapos na lumamang ng 14 puntos, 90-76, sa umpisa ng fourth quarter. Katunayan ay higit anim na minuto pa ang nalalabi ay nasa 98 points na ang Elasto Painters.

Pero nablangko na sila ng Tropang Texters. Buhat sa 14 puntos na kalamangan ng kalaban ay nakagawa ng 25-8 atake ang nga bata ni coach Jong Uichico upang manalo.

Kaya naman tinutuligsa si Guiao ay dahil sa inilabas niya ang import na si Dior Lowhorn nang malaki na ang kanilang lamang at hindi ibinalik kaagad nang nagra-rally ang kalaban.

Isa pa ay hindi tumawag ng timeout si Guiao upang pigilan sana ang dagundong ng comeback ng kanilang kalaban.

Well, style ni Guiao ito, e. Ilang games na ba ang kanyang napanalunan sa ganitong sistema? Ilang kampeonato na ba ang kanyang naiuwi sa ganitong palakad? E bakit hindi naman siya pinupuna kapag nananalo siya?

Napupulaan lang ang kanyang sistema kapag natalo sila, hindi ba?

Sa totoo lang, sa laro kontra TNT Katropa ay nakalamang naman ng malaki ang Elasto Painters nang nasa labas si Lowhorn, e. Katunayan, sa first quarter ay lumamang ng 15 puntos ang Tropang Texters pero nang nakaupo si Lowhorn ay nakabawi ang Elasto Painters sa pagtutulungan nina JR Quinahan at Paul Lee.

Doon lang ay kita na ng lahat na puwede namang buhatin ng mga locals ang Rain Or Shine.

Sa totoo lang, hindi naman big deal si Lowhorn, e. Kung tutuusin, marami nga ang nagtataka kung bakit kinuha ng Rain Or Shine si Lowhorn bilang import gayung hindi naman nito napagkampeon ang Barangay Ginebra at Globalport na dating napaglaruan niya.

So, kung past credentials ang pag-uusapan, wala pa namang napatunayan si Lowhorn. At idinagdag siya sa isang koponang galing sa kampeonato sa nakaraang Commissioner’s Cup. Kumbaga, siya lang ang manlalaro ng Rain Or Shine na walang kampeonato!

So, hindi big deal kung iupo siya ni Guiao dahil sa siya lang naman ang walang championship experience!
E bakit hindi tumawag ng timeout si Guiao?

Matagal na niyang naipaliwanag ang sistemang ito. Papasok pa lang nila sa isang laro ay alam na nila kung ano ang kanilang dapat na gawin. Napag-aralan na nila ang kalaban. May game plan na sila.

Kung nagkakamali ang kanyang mga manlalaro ay kinagagalitan naman niya ang mga ito habang naglalaro. Hindi niya kailangang tumawag ng timeout upang kagalitan sila.

Hindi niya kailangang tumawag ng timeout upang ipaalala sa kanila ang kanilang sistema. Palagi niyang sinasabi na ang mga players ang gumawa ng hukay nila so sila ang dapat na gumawa ng paraan upang makaahon sa hukay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Unang game pa lang naman iyan ng Governors’ Cup para sa Elasto Painters. Malayo pa ang kanilang lalakbayin. Magsisilbing leksyon ang kabiguan sa TNT Katropa.
Walang sisihan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending