Mga mag-aaral hindi na pumapasok dahil sa meningitis scare sa Davao del Sur | Bandera

Mga mag-aaral hindi na pumapasok dahil sa meningitis scare sa Davao del Sur

- July 22, 2016 - 05:36 PM
digos TUMIGIL nang pumasok ang tinatayang 300 mag-aaral ng  Pedro V. Basalan Elementary School sa Barangay Tres de Mayo, Digos City simula pa noong Huwebes dahil sa ulat ng pagkamatay ng isang estudyante ng  Grade II noong Lunes dahil sa meningitis. Sinabi ng barangay chairman na si Oscar Bucol, binawalan ng mga magulang na papasukin ang kanilang mga anak matapos kumalat ang tsismis kaugnay ng sanhi ng pagkamatay ng batang babae. Ayon sa isa sa mga nanay na nagpatawag lamang na Cita, klase ng kanyang anak na lalaki ang batang babae. Inamin ni Cita na nataranta siya nang marinig ang mga kwento kaugnay ng dahilan ng pagkamatay ng bata kayat hindi na niya pinapasok ang anak sa paaralan. Sa isinagawang  emergency meeting ng mga Parents-Teachers Association  kahapon, sinabi ng  guro sa Grade II na si  Norma Maranjan, na batay sa resulta pagsusuri na isinagawa ng doktor, hindi naman sa meningococcemia ang ikinamatay ng bata. Idinagdag ni Maranjan na dapat ay mapawi na ang takot ng mga magulang at papasukin na ang kani-kanilang mga anak. Sinabi naman ni Bucol  na nakita niya ang resulta ng pagsusuri sa bata at tiyak niyang hindi nakakahawa ang sakit ng bata. Hindi naman sinabi ni  Bucol kung ano ang ikinamatay ng batang babae.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending