Julie Anne handa nang magkaroon ng bagong lovelife
BUKAS na ang puso ni Julie Anne San Jose na magmahal. Tutal naman, graduate na siya ng kolehiyo sa Angelicum College kung saan meron din siyang standing offer na magturo.
Kaya naman wala nang hadlang ang parents niya lalo na ang tatay niya ngayong umaaligid sa kanya ang Kapuso actor na si Benjamin Alves. Ayaw nga lang niyang ibuking kung nanliligaw na ang aktor.
“Ahhh, we’re getting to know each other. Pero doon din naman pupunta ‘yon. But as of now, we’re okay. Dating? Ahhh, basta, We’re okay,” walang direktang sagot ni Julie Anne sa interview sa kanya kaugnay ng bagong album na “Chasing The Light.”
Nagkakasundo naman sila ni Ben sa ilang bagay. Gaya niya, mahilig din ang aktor sa pagsusulat pati na ang paglikha ng poems. Wish ng Asia’s Pop Sweetheart ang seryosohin siya ng lalaking mamahalin, huh!
Biro namin kay Julie Anne, ano kaya ang dedication niya kay Ben kung sakaling papirmahan sa kanya ng hunk actor ang bago niyang album?
“May ganoon? Ha! Ha! Ha!” Sa akin na lang ‘yon! Ha! Ha! Ha!” iwas ni Julie Anne na halatang inspired sa personal niyang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.