Cherry Pie, Bembol Best Actress at Best Actor sa 1st Tofarm Filmfest; ‘Paglipay’ Best Picture | Bandera

Cherry Pie, Bembol Best Actress at Best Actor sa 1st Tofarm Filmfest; ‘Paglipay’ Best Picture

Ervin Santiago - July 22, 2016 - 12:30 AM

CHERRY PIE PICACHE AT BEMBOL ROCCO

CHERRY PIE PICACHE AT BEMBOL ROCCO

WAGING Best Actress si Cherry Pie Picache habang tinanghal namang Best Actor si Bembol Rocco para sa pelikulang “Pauwi Na” sa katatapos lang na 1st TOFARM Film Festival awarding ceremonies na ginanap sa Rizal Ballroom ng Shangri-La, Makati.

Naka-tie naman ni Bembol sa pagka-Best Actor ang baguhang si Garry Cabalic para sa entry na “Paglipay” na siyang big winner sa nasabing agriculture-themed filmfest. Ito rin ang nanalong Best Picture at Best Director para kay Zig Dulay. Natanggap din nito ang People’s Choice Award, Best Cinematography at Best Supporting Actress para kay Anna Luna.

Nagwagi naman ang “Pauwi Na” ng tatlong technical awards kabilang na ang Best Production Design, Best Editing, at Best Story; and the Jury Special Award for Outstanding Film.

Naiuwi naman ng “Pitong Kabang Palay” ang Second Best Picture Award, Best Sound, Best Music, Best Screenplay, To Farm Film Festival Special Award for Outstanding Ensemble, at Best Supporting Actor para kay Micko Laurente.

Nagsilbi namang hosts ng awards night sina Dingdong Dantes at Carla Abellana. Ang iba pang entries na kasali sa 1st TOFARM Film Festival ay ang “Kakampi”, “Pilapil”, at “Free Range”.

Extended ang nasabing film festival sa mga sinehan ng SM Malls due to insistent public demand. In fairness, successful ang unang pasabog ng TOFARM filmfest dahil talagang sinuportahan ito ng mga manonood.

Kaya naman todo ang pasasalamat ng organizer nitong si Dr. Milagros How at ng festival director na si direk Maryo J. delos Reyes.

Nagsilbi namang mga jurors sina direk Peque Gallaga, Cannes best actress Jaclyn Jose, screenwriter Ricky Lee and cinematographer Odyssey Flores.

Ayon sa organizers, TOFARM filmfest will continue its Philippine “tour” with theatrical runs scheduled at SM Pampanga and SM Cabanatuan from Aug. 24 to 30; SM Cebu City from Sept. 14 to 20; at SM Davao from Oct. 12 to 18.

Ang balita namin, ngayon pa lang ay naghahanda na ang mga taong nasa likod ng nasabing filmfest para sa ikalawang taon nito. Kaya maghanda na ang mga producer at director na gustong mag-join.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending