Robin nagwala nang malamang nakapasok si Kylie sa Encantadia | Bandera

Robin nagwala nang malamang nakapasok si Kylie sa Encantadia

Ervin Santiago - July 22, 2016 - 12:20 AM

SANYA LOPEZ, GLAIZA DE CASTRO, KYLIE PADILLA AT GABBI GARCIA

SANYA LOPEZ, GLAIZA DE CASTRO, KYLIE PADILLA AT GABBI GARCIA

NAGWALA si Robin Padilla nang malaman niyang isa ang anak na si Kylie Padilla sa magiging Sang’gre sa bagong Encantadia ng GMA 7.

Ayon kay Kylie, ito raw talaga ang pangarap ng kanyang tatay para sa kanya, ang gumanap ng isang karakter kung saan maipakikita nito ang kanyang galing sa aksiyon at sa pakikipaglaban.

Si Kylie ang gaganap na Amihan sa requel ng Encantadia na nagsimula na last Monday sa GMA Telebabad. Inamin ng Kapuso actress na mas gusto niya sanang gumanap na Pirena pero napunta ito kay Glaiza de Castro.

Sey ng anak ni Binoe, feeling kasi niya mas matsa-challenge siya sa karakter ni Pirena dahil nga ito ang magiging major-major kontrabida sa serye. Pero nang kausapin na siya ng kanilang direktor na si Mark Reyes, nakumbinse rin siya kung gaano rin kahirap ang role ni Amihan na siyang magiging Reyna ng kaharian ng Lireo.

Ang dalawa pang gaganap na kapatid nina Pirena at Amihan ay sina Sanya Lopez as Danaya at Gabbi Garcia bilang Alena.

Natanong si Kylie sa nakaraang presscon ng Encantadia kung ano ang masasabi niya sa mga bashers na nagsasabing hindi bagay sa kanya ang role na Amihan, aniya, “Tinanggap ko ang role nang i-explain sa akin mabuti ni direk Mark ang kuwento ni Amihan. At ni-ready ko na rin ang sarili ko sa ganyan. Kaya dedma lang, wala na akong masyadong pakialam. Personally. I don’t really care sa haters.”

Kung matatandaan, sinabi ni Robin sa isang panayam na talagang hinubog niya si Kylie para maging female action star. Nag-train talaga ang dalaga para sa mga proyektong tulad ng Encantadia.

“Actually, masaya ako kay Papa kasi totoo ang sinabi niya. Kaya siya pumayag na maging artista kami, ako, kasi gusto namin action star. Medyo nalungkot siya na how many years, puro drama ang binibigay sa akin.

“Dati nga sabi niya, ‘Anak naman, e, yung pinaghandaan natin, hindi naman nagagamit.’ Tapos when this series was offered to me, mas nauna siyang nagwala sa akin.

“Sabi niya, ‘Anak, ‘yan na ‘yan! Magagamit na natin lahat! Lahat ng paghihirap mo at sakit sa katawan, magagamit mo na lahat.’ Tama naman siya,” sey pa ni Kylie sa panayam ng press.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa sobrang excitement nga ni Binoe, nag-suggest pa siya sa GMA na dapat daw ay gawan si Kylie ng separate trailer para lang sa dalaga, “Naku, oo nga raw, e. Pero I told him na, ‘Pa, huwag na, nakakahiya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending