Sheriff binuhusan ng mainit na tubig; lola kinasuhan | Bandera

Sheriff binuhusan ng mainit na tubig; lola kinasuhan

- July 21, 2016 - 02:28 PM

ZAMBALES

ZAMBALES

NAHAHARAP sa kasing direct assault ang isang 65-anyos na lola matapos buhusan nito ng mainit na tubig ang isang court sheriff na nagsisilbi ng demolition order sa Subic, Zambales, Miyerkules.

Sinabi ni Teresita Ofrasio, 65, residente ng Barangay Asinan Proper, Subic na dahil sa kanyang emosyon, kinompronta niya si Sheriff Leandro Madarang, ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) ganap na alas-9 ng umaga.

Isinisilbi ng sheriff ang isang demolition order na ipinalabas ni Judge Richard Paradeza ng RTC Branch 72 laban kay Ofrasio at tatlong iba pang may-ari ng bahay nang mangyari ang insidente.

Nalapnos ang likod ni Madarang, na nagsabing ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho.

Kinasuhan ni Madarang si Ofrasio ng direct assault sa city prosecutor’s office.

Idinagdag ni Madarang na desidido siyang utuloy ang iba pang kaso, kasama na ang contempt of court.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending