Nanay ni Jessy Mendiola may babala sa mga nanlalait at nambabastos sa anak | Bandera

Nanay ni Jessy Mendiola may babala sa mga nanlalait at nambabastos sa anak

Jobert Sucaldito - July 21, 2016 - 12:05 AM

jessy mendiola at mother

MEDYO nagtaray daw ang nanay ni Jessy Mendiola sa kanyang social media account – she talked about lawyers, legal action, etcetera.

Parang ang dating daw ay binabantaan nito ang mga netizens na mag-ingat sa mga panlalait nila kay Pretty Face Jessy Mendiola at baka demanda ang abutin nila. She also asks her daughter’s bashers kung may mga nanay ba sila at kung paano sila pinalaki ng mga ito.

Ngayon, baligtarin na rin natin ang scenario – kami naman ang magtatanong: paano po ba ninyo pinalaki si Jessy? Maayos po ba? Matinong pagpapalaki po ba? Tinuruan niyo po ba ang anak ninyo ng tamang values? Tinuruan niyo po ba ang anak ninyong maging mabait sa kapwa? Tinuruan niyo po ba ang anak ninyong maging magalang? Tinuruan niyo po ba ang anak ninyong maging maayos makiharap sa ibang tao?

Kasi parang hindi namin nakikita kaya po kami nagtatanong. Kasi baka naturuan lamang si Jessy na maging mabait sa sarili at nakaligtaang maging mabait sa ibang tao? May takot ba ang batang ito sa Diyos? Kasi ang nakikita lang namin ay parang sanay lang siyang mag-lipstick ng pula and aside from that ay wala na. Please enlighten us. We may be wrong, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending