Processing ng ECC claim | Bandera

Processing ng ECC claim

Liza Soriano - July 20, 2016 - 12:10 AM

PALAGI po akong nagbabasa ng inyong newspaper. Ako po ay isang saleslady sa isang mall. Pero ang gusto ko po na itanong ang problema ng uncle ko na nag-file ng sickness benefits sa ECC. Sa SSS po ay nakuha niya na pero sa ECC ay hindi pa at noon pa pong Abril siya nagfile. Tanong ko rin po kung ilang araw o buwan ang processing ng papers sa ECC. Paano rin po ba malalaman kung naaprubahan ng ECC ang kanyang claim? Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po

Aida dela Cruz
Brgy. San Roque
Navotas City

REPLY: Para sa iyong katanungan Ms Aida: Maaari bang mabigyan mo kami ng kaukulang impormasyon gaya ng pangalan, SSS number at saan branch nag-file.

Alinsunod sa bagong patakaran, lumagda ang ECC ng service agreement kung saan sa level pa lamang ng SSS ay dapat magkaroon na agad ng kapasiyahan sa claim ng mga miyembro ng ECC na naghahabol ng benepisyo

May hurisdiksyon ang SSS para magsagawa ng initial evaluation ng mga evaluator ng ahensiya.

Ngunit sakaling hindi aprubahan ng SSS ay maaari naman na iakyat sa ECC at dito magkakaroon ng pagsusuri ang affiliate body kaugnay sa nasabing claim.

Mayroon naman period of resolutions na 20 working days na dapat ay may desisyon na ang ECC.

Ngunit ito ay subject pa rin sa submission ng mga kinakailangang dokumento.

Ang coverage ng EC program ay isang programa ng pamahalaan na mabigyan ng compensation package sa mga manggagawa o dependets na nagtatrabaho sa pampubliko o pribadong sektot sakaling may pagkakasakit, pinsala, kapansanan o kamatayan subali’t kinakailangan may kaugnayan sa trabaho.

Para sa may nga katanungan tumawag
lamang sa
Public Assistance
Center:
Tel. No.: (02) 896-7837
Email: [email protected]
Other Telephone Nos.:
(02) 899-4251; 899-4252
Email: [email protected]
Atty Jonathan
VillaSotto
Deputy Director
Enployees Compensation Commission
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending