Pagbabanta ng isang galit na galit na basher sa Twitter
Patindi nang patindi ang bashers ni Kim Chiu.
Nagiging grabe na ang banat sa isa sa bida ng Ina, Kapatid, Anak.
Parang may halong pagbabanta na ang isang retokequeenchiu kay Kim sa kanyang latest message.
“Alam ko na sched mo sa golds gym new manila.
Abangan kit dun…be ready ha. Prepare your pretty retoke face to be ugly.
Hahahahaha,” sabi nito sa Twitter.
“Welcome to heaven Celyn.
Sana nga kunin ka na ni lord kc ang pangit pa rin ng acting mo.
D ka ba nag acting workshop?
Bumalik kaya ulit sa acting workshop. Puro paawa sa ina pero in real life maldita. Nasa loob ang kulo,” dagdag pa nito.
Naku, totohanin naman kaya ng hitad ang banta niya kay Kim o pananakot lang ang lahat sa dalaga.
Teka, ano nga ba ang matinding kasalanan nito sa kanya?
Who could she be kaya kasi parang ang tindi-tindi ng galit niya sa dalaga?
Ano naman kaya ang ginawa sa kanya ni Kim to deserve this kind of bashing?
At sino kaya ang nasa likod ng mga pagbabantang ito?
Siguro kailangan na talagang mag-ingat ni Kim dahil hindi na biro ang ganitong mga senaryo.
Star Magic should take this warning very seriously.
We are writing this not to scare Kim, but to warn her.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.